Chapter 53

1.2K 43 57
                                    


Third Person's POV

Pagkapasok ng mga Montecillo ay napatingin agad sa kanila ang mga tao. May mga masasama ang tingin, may mga gulat, may mga takot, at may galit na nakatingin diretso kay Aldrin Montecillo.

Walang silang pinansin sa mga ito at pumunta na sa mesa kung saan sila iginaya ng isang waitress ng party.

Kung hindi lang sa classical music ay puro bulungan na siguro ang maririnig sa loob.

Ang mga kasama ni Aldrin na sina Blaze,Kent, at Krist ay pasimpleng inililibot ang paningin upang isautak ang mga pagmumukha ng mga nasa loob.

After the party, they will hunt everyone of them. The hunting game excites them. Matagal na panahon na rin mula nung huling hunting game nila. Andami kasing nagbago kaya hindi na nila ito nagagawa pa.

Ilang minuto pagkarating ni Aldrin ay inumpisahan na ang pagtitipon. Nagpapakita na si Aldrin Montecillo na lamang ang hinihintay. Siya ang dahilan ng pagtitipon na ito maliban sa selebrason para sa reyna-reynahan nila.

Dumilim ang paligid at ang tanging naiilawan na lang ay ang engrandeng hagdan sa harap nila. Sa taas nito ay naroon na ang queen at katabi nito si Darius Walton.

"Uy buhay nga mga Walton. Akala ko inaagnas na mga kaluluwa nila dahil ang tagal magparamdam ulit." pagbibirong bulong ni Krist sa mga kasama sa mesa pero inignora siya ng mga ito.

Lahat ay nakafocus sa madramang pagbaba ng reyna sa hagdan.

"Sabayan niyo akong tumawa kapag natapilok yan ah." biro ulit ni Krist.

"It's slowmo. It's impossible to slip with that move." nailing si Blaze. Pero sa isip-isip din nito ay natatawa sa kadramahan ng ginang sa harap ng lahat. May patugtog pa na naaayos sa pagmamartiya.

"Boss nakatingin sa iyo si Walton oh. Bigyan mo ng reaksyon boss. Kawawa naman oh." siniko ni Krist ang kaibigan at boss nilang may blangkong mukha.

I don't know how to react with this scene. I would laugh with Krist if they both slip and break a bones. Sabi nito sa isip.

Pagkatapos ng senaryong iyon ay binigyan ng mikropono ang reyna. Nagpasalamat ito sa lahat ng dumalo. Nagyabang din ito sa mga nagastos para sa engrandeng party ba iyon.

"Wow, sayang ang pera nila kapag binomba lang natin itong lugar." Kunwari ay dismayadong sambit ni Krist.

"And also, meet my new friend. Desidarius Gavista Walton!" nagpalakpakan ang lahat maliban sa mga nasa isang lamesa. Ang mga lalaking inimbita pero parang hindi imbitado.

Nilingon ng reyna ang mesang iyon at hindi mapigilang mapangiwi ng ilang sandali.

Si Krist na nangungulangot habang nakatingin sa kanila. Si Kent kumindat sa queen at nagfinger heart pa. Si blaze naman nandidiring nakatingin sa kanya. At ang boss na nakatingin sa lalaking pababa na rin sa engrandeng hagdan. Ang fiance ni Lilliane.

"Those bastards." inis na bulong ng reyna na narinig ni Darius.

"They'll just annoy you. Let's not give them attention for now." sabi nito. Napatingin ang dalawa sa lumapit na si Ivan. Ang fiance ni Lilliane. (Oh ha! May pangalan rin ang isang ito! Finally! Salamat sa nagsabi!)

"Aldrin is eyeing on me." mahinang natawa ito. Napalingon din tuloy ang queen at si Darius sa kinaroroonan ni Aldrin pero hindi na ito nakatingin pa kay Ivan.

"Everyone! Enjoy the party!" Anunsyo niya at nagsimula na ulit tumugtog ang musika.

Bawat lamesa ay pinupuntahan ng reyna. Nakabuntot lamang ang dalawang lalaki sa kanya. Si Darius at Ivan.

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon