Dedicated to juskongusername123 & JhennysieMilitante
Sayang naman at hindi na pwedeng idaan sa candy o chocolate ito.
Binata na kasi eh. Nagbuntong hininga na lang ako.
Pero baby Angelo pa rin namin siya. Ang cute eh. Hehe
Napilitan kami ni Ark na sabihin sa kanya ang lahat ng nangyayari.
Ang inaasahan ko ay magugulat siya sa mga nalaman pero napangisi pa si Angelo dahil sa mga nalaman.
Ang cute niya hehe. Parang demonyong may masamang balak.
"So I'm in this mission too. Right?" Sabi na eh. May binabalak ang isang ito.
Nagkatinginan kami ni Ark. Umiling ako sa kanya na ikinatango naman niya.
Nagkasundo kaming hindi na idadamay pa si Angelo sa mission pero bago pa ako makapag-salita ay inunahan na ako ni Angelo.
"I don't accept 'no' as an answer. You two will need my brain for this mission." Mayabang na sabi ng binatang si Angelo.
Di na siya baby. Pero chubby cheeks pa rin hahaha cute.
"You think we're dumb?" Inis na sabi ni Ark. Na offend yata sa sinabi ng kapatid.
Itong si Angelo kasi. Parang sinasabing wala kaming utak ah.
"I didn't say that, kuya." Inirapan niya si Ark bago tumingin sa akin.
"Right, ate Lilliane? You'll need a planner for this thing. You two needs me."
Napalunok ako. Pero napaisip din ako, kung tatlo na kaming naglilihin kay Aldrin edi tatlo rin kaming mapapagalitan. Ayos na rin iyon at least may kasama ako.
Tumango ako kay Angelo na ikinatuwa niya. Niyakap pa niya ako at hinalikan sa pisngi kaya natawa ako.
"Bukas ng gabi ang party. Ibig sabihin ay nandito na si kuya Aldrin sa oras na iyon." Bulong ni Ark sa amin.
Sabay na napatingin kami ni Angelo sa kanyang kapatid. Napatingin naman sa amin si Ark at nagtaka sa reaksyon namin.
"Why are you guys looking at me like that?" Bulong na tanong nito.
Napabuga ako ng hangin.
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Angelo. Naka indian seat kaming tatlo habang pabilog na magkakaharap.
"Kuya, why are you whispering?" Tanong ni Angelo sa kapatid. Kulang na lang ay batukan niya ito.
Oo nga bakit pa nito kailangang bumulong eh kaming tatlo lang Naman ang narito.
"Tsk. Malay mo may makarinig."
"My room is soundproof." Madiing sinabi ni Angelo. Nagtitimpi, Hindi pa kami nagsisimula pero umiinit na Ang ulo niya dahil sa kapatid.
Napakamot na lang ako sa batok dahil sa dalawang ito. Nandito kami para magplano hindi para mag-away.
Hays. Sigurado ako hirap na hirap si Al sa dalawang ito noong mga bata pa sila.
"Magsalita ka na ng maayos Ark. Ang weird kapag nagbubulungan tayong tatlo rito." Sabi ko.
Pinanliitan niya kami ng mata. Ang sungit ng mga Montecillo sa totoo lang.
"Pinagtutulungan niyo ba ako?" Akusa ni Ark sa amin.
"We're just saying that you should talk normal, kuya. Para hindi tayo magmukhang tanga rito." Inirapan niya ang kapatid bago sumimsim sa inumin niya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
ActionA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...