Dedicated kay ano aexion15
"Gago ka ba?!" sigaw ng galit na galit na si Mitch. Nginitian ko siya.
"Andiyan ba si Lexinne?" imbes na sagutin siya ay nagtanong na lang ako.
Galit nga yata talaga siya dahil sobrang igting ng panga niya. Mukhang nagtitimpi pa na sugurin ako.
"Si Lexinne pala hanap mo eh kailangan ba talagang basagin mo bintana namin?!"
"Eh Mitch sorry. Wala kasing sumasagot kanina kaya-"
"Kaya mo binasag! Eh kung basagin ko mukha mo!"
"Ha? Eh sumasagot naman ako ah. Bakit mo pa ako kailangang basagin?" Ngumuso ako.
"Ano?! Gago ka ba?!"
"Bakit ka ba galit na galit diyan? Alam mo namang mayaman ako at kayang-kaya kong palitan ang bintana mo."
"Yabang ah!"
"Hehe mayaman kasi asawa ko."
Sinimangutan niya ako at may galit niyang binuksan ang gate nila. Akala ko nga masisira ang gate sa tindi ng pagbukas niya eh.
"Nasa loob si Lexinne." Napalingon siya kay Ark nang lumabas ito sa kotse niya. "May kasama ka pala."
"Ah oo si-"
"Kilala ko." Pinutol niya ang sasabihin ko. Tumalikod na siya at naglakad papasok sa bahay nila. Si Ark naman ay nakapamulsang sumunod sa kanya.
"Teka! Hindi niyo ba ako tutulungan?"
Napahinto si Mitch at nilingon ako. Habang ang walanghiyang si Ark ay nauna nang pumasok sa bahay.
"Ano na naman ba?" Masungit na tanong nito.
Napabuntong hininga akong binuksan ang pintuan sa backseat. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nasa loob.
"Gago! Pinatay niyo?!" Agad na sabi niya.
Grabe naman to mag-isip. Akala ko iisipin lang niya ay nakatulog ito. Pero Patay agad?
"Pinatulog ko lang."
Akala ko susungitan niya ulit ako pero mabuti na lang at matulungin naman pala ito. Tinulungan niya akong buhatin ang babae. Siya ang humawak sa kamay ako naman sa paa.
Kawawa ang babaeng ito. Parang hindi tao ang paraan ng pagbuhat namin eh.
"Wala si Sab. Si Kyrill ay nasa kusina naghuhugas ng pinggan. Siguro nakasuot ng earphones kaya di kayo narinig kanina. And I'm sure si Lexinne nasa kwarto siguro naririnig kayo kanina pero tamad lang bumangon. Ako naman ay tulog kanina. At iyong bintana na binasag niyo ay bintana ng kwarto ko." Sarkastikong ngumiti ito sa akin.
Galit nga talaga yata siya dahil naistorbo ko ang tulog niya.
"Why not tie her up. She might slap you when she wake up." Seryosong sabi ni Ark. Napatingin naman ako sa kanya.
Ang loko, mukhang hari nang nakaupo sa sofa.
"Kukuha ako ng tali." Sabi naman ni Mitch kaya nanlaki ang mga mata ko.
Seryoso? Kanina ko pa napapansin na normal lang para sa kanya na nagpunta kami dito sa bahay nila at may dalang bangkay! Este katawan pala na buhay, humihinga pa naman.
Kumuha ako ng upuan at hirap na pina-upo doon si Yvainne. Si Ark at prenteng pinapanood lamang ako.
Wala talagang balak tumulong! Eh kung sabihin ko kaya kay Aldrin na bawiin ulit sa kanya ang baby Niya!

BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
AcciónA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...