Chapter 22

1K 53 45
                                    


Palihim kong inirapan ang babaeng feeling CEO. Secretary lang sya pero porque mas maalam na sya sa kompanya ay feeling boss na Sya.

May dumating kanina na ka meeting dapat ni Aldrin pero syempre bilang ACTING CEO eh ako ang humarap pero habang nag uusap kami ay sabat ng sabat yung Irene na yun.

Edi ikaw na maalam! Ikaw na matalino!CEO ka? CEO?

Ang pinag-uusapan namin kanina ay tungkol daw sa  pinapatayo nilang mall at isa si Aldrin sa pinaka malaking stockholders nito.

"But we should asked Aldrin too, he's an engineer din right?... Pwedeng Sya mag asikaso sa pagpapatayo ng mall." Nagtaas na lang ako ng kilay sa kanya.

Engineer din pala ang lalaking yun. Edi ikaw na may alam!

Akala ko pa business business lang Kasi yun eh tsk.

Nag agree naman yung matanda sa sinabi ng secretary na to. Nagkatinginan kami nung Irene at nginisian nya Naman ako na parang nagmamalaki pa dahil natuwa syang may hindi ako alam tungkol kay Aldrin na alam nya.

Napatingin sa akin yung matanda kayat hilaw na ngumiti ako sa kanya.

"I didn't know that Mr. Aldrin Montecillo has a beautiful sister?" Ngisi sa akin nung matanda na ang lagkit kung makatingin. Tss tanda tanda na landi pa rin?

Narinig ko Naman ang mahinang pagtawa ni Irene kayat lalo akong nainis.

"Errm I'm not his sister." Kunot noong sabi ko sa kanya. Nagtataka Naman syang tumingin sa akin.

"But you said earlier that you're a Montecillo."

"I'm his wife"

Hays. English ako ng english. Required ba nag english dito. Pero parang sanay naman ako.

"Oh? I'm sorry, I didn't know." Tumawa sya pero Kita ang gulat sa kanyang mga mata. Nawala na rin ang malagkit nyang tingin sa akin. Napatingin sya kay Irene na nakayuko lang ngayon.

"The meeting is done now Mr. Valdez. You may go." Sabi ko dahil di ko nagustuhan ang sinabi nya.

Tsk bad mood na nga ako dahil di pa rin nagpapakita si Aldrin ng ilang araw na pero dumagdag pa tong mga to.

Nagpaalam na yung matanda kayat napatingin ako kay Irene na ngayon ay nagliligpit sa mga papers.

Mahinhin sya kung kumilos pero naiinis ako sa kanya.

Ganyan ba talaga yan? Gusto ni Aldrin mga mahinhin na babae?

Pinagmamasdan ko si Irene . Ito mga tipo ni Aldrin kaya naging sila eh.

Matangkad Sya . Okay Naman height ko. Matangkad ako basta huwag kang akong itabi sa mga mas malalaki.

Sexy Sya. Ako din Naman ah!

Makinis din naman kutis ko. Medyo morena Sya. Kailangan ko na din bang magbilad sa araw.

Huli akong napatingin sa dibdib nya. Lihim akong napangiti dahil dun. Tsk mas angat ako ah hihihi.

Iniwan ko sya sa silid na iyon at nagpunta sa opisina ni Aldrin. Naupo ako sa swivel chair nya.

Napalingon ako kay Aica na sumunod pala sa akin.

" Andito na po ang lunch nyo miss Lilliane." Tiningnan ko ang mga inaayos nyang pagkain .

Ganto kami halos araw araw. Pagkatapos kong magpirma at makipag usa sa ibat ibang empleyado ay kakain na kami ni Aica.

Nababagot ako minsan kayat nung nakaraan ay inaya ko sina Aica at mga kuyang guards na mag  McDonald's kami.

Si Aica lang sana kasama ko para konti lang ililibre ko pero naawa ako sa mga guards na sunod ng sunod sa amin at nagbabantay kaya inaya ko na din sila.

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon