Dedicated to JhanellaMacandili5
Lilliane's POV
Pinigilan kong batuhin si Aldrin nang hindi niya pa rin ako pansinin. Ni hindi niya ako pinagbuksan ng pinto!
Kakain daw kami sa labas pero may sama ng loob! Hmmp! Ano ba to! Date na sana pero leon naman yung kasama ko!
Kapag ako nilapa nito- naku tsk subukan niya!
"Wala ngang tao dun!" pagkumbinsi ko sa kanya.
"Tsk."
"Bahala ka! Basta sinabi nang wala eh!"
"Then why is it close?!"
"Eh malamang dahil naka lock! Sira nga eh! Siyempre isasara." Ngumuso ako at kinagat ang dila. Sinungaling ka lia huh!
"Tsk!"
Pinagtatalunan pa rin namin ang tungkol doon sa bathroom sa opisina niya. Nilagay ko kasi doon yung bagay na hindi niya dapat makita. Eh nakalimutan kong may saltik nga pala si Al... Isipin ba namang may lalaki sa loob!
"Tingin mo ipagpapalit kita?!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Tingin mo papayag ako?!" Siguro tustado na ako kung literal lang na may lumabas na apoy sa bibig neto. Grabe magalit ah.
"Aaahhh! Al tumingin ka sa dinadaanan mo!" Napatili ako dahil muntik na naming mabunggo ang kotse sa harapan. Naka stop light pala.
"Muntik na tayo dun ah." Napahinga ako ng maluwag.
"Tss. I'll kill your boy once I saw-"
"Sige patayin mo sarili mo." Naguguluhang tinignan niya naman ako.
"Ikaw lang lalaki ko no! Ayaw ko sa iba kung di rin lang naman ikaw." Nakangiting sabi ko. Banat yun ah. Hehe paliguan ko ng langgam si Al kapag di pa siya kiligin dun.
Pero si Aldrin wah epek sa kanya. Inirapan lang ako. Heh! Bahala siya!
Patuloy na siya sa pagmamaneho habang ako naman ay nanatiling tahimik na pinapanood ang mga dinadaanan namin.
"Ba't ka tumahimik?" inis na bulong nito. Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring hindi ito naririnig.
Ito ang ganti ng api Al.
"Where do you want to eat?" tanong ulit niya. Pansin kong nilingon na niya ako pero dinedma ko lang siya.
Pero pagkain na yun Lilliane! Ano na?! Marupok ako sa pagkain!
"Fine, I'll be the one to choose."
Lihim naman akong napangiti. Hehe at least hindi niya kinansel ang pagkain namin sa labas. Kun'di ay magwawala talaga ako.
Huminto kami sa isang sa tingin ko ay mamahaling restaurant. Malaki kasi, pagkapasok namin sa loon ay may sumalubong pa sa amin.
"This way ma'am, Sir." Sabi ng isang waitress yata.
Inalalayan ako ni Al papunta sa itinuro nung waitress. Napunta kami sa isang mas tahimik na parte ng restaurant.
Nagkatinginan kami ni Aldrin nang ipaghila niya ako ng upuan. Padabog akong umupo doon na napansin naman niya dahil napakunot siya sa noo.
Hmmp ano?! Hah! Akala mo ikaw lang pwede magsungit.
Mataray ko siyang pinagmasdan habang papunta siya sa upuan niya sa harap ko. Napabuntong hininga siya sa inaasal ko.
"I should be the one who's mad-"
"Nagrereklamo ka?!" inis na sabi ko sa kanya. Natahimik naman ito. Frustrated na tinignan muna niya ako bago nagtawag ng waiter.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
ActionA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...