Ayaw ko pa sanang makita yung Aldrin na yun . Pero kailangan. Mag la lunch na sana kaso naalala ko wala akong pera at saka walang baon. Kumatok ako bago pumasok.
Galit Naman syang tumingin sakin. Anyare na Naman dito. Galit na naman.
"What?!" Inis na sabi nya saka bumaling ulit sa binabasa.
"Eh Wala po kasi akong pang lunch eh. Pwedeng makahingi. " Ang bwisit inirapan lang ako! Tumayo sya saka naglakad papunta sa isang kabinet na lalagyan nya na maraming libro. Aba! Di ako pinapansin!
"Hoy Aldrin wala akong pera! Hahayaan mo bang magutom ang asawa mo ha?" Matalim nya akong tinititigan .
"Bat di ka humingi kay lolo." Masungit na sabi nya. Pumunta ako sa harap nya saka tinaas ang kamay sa harap nya na parang nanghihingi ng pera.
"Si lolo bang asawa ko tss. Sige na nagugutom na ako eh. Nakakapagod kaya yung ginawa namin."
"Tss ." Napangiti ako nung kumuha sya ng pera sa wallet nya.
Sumilip ako sa wallet nya ,napataas ako ng kilay nung may nakitang babae dito. Diko masyadong nakita kasi inilayo na ito ni Aldrin.
"Sino yun? Girlfriend mo?" Di Naman sya agad nakapagsalita. Tinitigan nya ako ng seryoso. Ako Naman ay nagtatakang tumingin ulit sa wallet nya.
" Nope this is nothing." Naguluhan ako nung kinuha nya iyon saka pinunit sa mismong harapan ko. Dahil dun nakita ko ito ng mas malinaw.
"Uy Hala! Bat mo pinunit eh ang ganda nya!" Kununutan nya Naman ako ng noo.
"That was my ex"
"Ha?Anong ex?"
"Ex girlfriend. "
"Ah okay." Sabi ko saka kinuha yung perang nasa kamay nya. Tinalikuran ko na sya saka naglakad paalis. "Mas maganda naman ako dun hmmp." Bulong ko na narinig nya yata.
"What did you say?"
"Wala! Sabi ko mag lunch ka na rin." Huling sabi ko bago lumabas. Agad kong pinuntahan si Gina na kumakain na ng lunch. Hindi man lang ako hinintay tss.
Pagkatapos mag lunch ay nagpatuloy ulit kami sa paglilinis. Pero pagbalik namin ay nilinisan na pala ito ng ibang mga janitors.
"Woo! Sa wakas tapos na! " Sigaw ni Gina saka pumalakpak pa. "Uy Lilliane labas muna tayo hehe tutal tapos na trabaho natin."
Gusto ko din sana kaso baka magalit yung Aldrin na yun. Saka madami pa akong babasahin.
" Eh baka kasi-"
"Lilliane wag ka ngang kj dyan! Masaya dun uy! Maraming pagkain.". Teka? Sinabi ba nyang food?
"Sige Sige magpapaalam lang ako wait lang ha!" Di ko na hinintay ang sasabihin nya at agad na sumakay sa elevator papunta sa office ni Aldrin.
Pagpunta ko dun ay iba ang naabutan ko. Ito yata yung bago nyang secretary na ngayun ay lalaki na.
"Ahm hi! Nasaan si Aldrin?" Pinagtaasan nya Naman ako ng kilay.
"Nasa meeting bakit?" Ay bakit ganun ang boses. May something?
"Ah ganun? Sige pakisabi na lang na may pinuntahan ako ah."
"Aba! Eh sino ka Naman para kailangang malaman pa ni sir Aldrin yan ha?! Umalis ka nga dito! TSE!" Ayun confirmed tss. Bakla nga.

BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
AcciónA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...