Tanghali na rin ako nagising kayat medyo nahihiya akong bumaba Kasi, di porket Wala na akong maalala ay wala na din akong gagawin. Baka pagalitan ako ni lolo dahil sa tamad ako.
Dali dali akong bumangon at saka nagtungo sa banyo upang maligo,pagkatapos kong maligo at mag ayos ay bumaba na ako. Isinuot ko iyong isa sa mga pinamili namin kahapon.
Naalala ko Naman yung nangyari kahapon,kamusta kaya si kuyang Janitor, nagising na kaya Sya?
Pagkababa ko sa hagdan ay walang sinuman ang bumungad saking tao,parang sa isang iglap ay naging bahay ito ng multo.
"Grabe sa laki ng mansion na ito halos di na mahanap kung nasan yung mga tao"
Tumindig ang mga balahibo ko nung nakarinig ako ng mga yapak.
Papalapit ito sa akin.
"Apo gis-"
"Ay multo!!!" Napatalon pa ako nung biglang may nagsalita,nagtataka Naman itong napatingin sa akin. Nahiya Naman ako sa Inasal ko kanina,
Grabe ka Lilianne ambastos mo!!!lolo yan ng ASAWA mo !!!
Na syempre lolo mo rin hehe
"Ah ehehe lo, sorry po ah, nagulat Kasi ako sa inyo eh."
"Haha buti at gising ka na,hindi dito natulog ang asawa mo kaya malamang eh pumasok na ito sa trabaho,halika at ng makakain ka muna." Sinundan ko sa papuntang dining table. Madami pa ring pagkain parang Ang Dami naming kakain ah.
"Ah lolo nasan po si Ark at Angelo?"
"Pumasok na sila apo,kumain ka na rin muna apo upang makapasok ka na rin."
Tumango tango ako Kay lolo saka ako kumain na habang nginunguya ko yung pagkain ay bigla kong napagtanto yung sinabi ni lolo.
Kayat muntik pa akong nabulunan.
Agad na lumapit si lolo ay inabutan ako ng tubig."Lo?ano po? Ako po?"tinuro ko ang aking sarili." Papasok na din po ako?Wait anong grade ko na po ba?"High school o College?" Excited na tanong ko kay lolo, yey!!!papasok ako!!! Makikita ko sina Ark ay Angelo sa school!!!di ko makikita yung bwisit na Aldrin na yun kasi di Naman Sya teacher yay!!!
"Haha apo, di ka mag aaral, papasok ka sa trabaho."
Eh??
Ako? May trabaho?
May trabaho na ako dati?
"May kompanya tayo at bilang asawa ni Al ay kailangang tulungan mo din sya na mag handle nito." Nakangiting sabi ni lolo saka humigop pa sa kape nito.
Lolo Naman!!! So ibig sabihin nu eh!! Makikita ko na Naman yung unggoy na yun!!
Lolo mabulunan ka sana!!!!!
"Ayy joke lang haha."
"Ha?" Takang napatingin sakin si lolo, agad Naman akong napatakip sa bibig ko. Luhh nasabi ko ba yun??
"Anong joke Lilianne?"
"Ah hehe Wala po hehe, lo? May alam ba ako sa pag ha handle ng kompanya?"kakamot kamot sa ulong sabi ko, tumatawang umiling Naman si lolo.
"Don't worry apo, I know you can handle it. Ikaw pa eh Montecillo ka." Luhh lolo Naman, Anong alam ko sa kompanya nyo!!! Trabaho ko ba dun Janitor?taga timpla ng kape?!!
BINABASA MO ANG
Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]
ActionA girl got into an accident. Suddenly she woke up with an amnesia and the worst thing is... She found out that she's married to a mafia boss Will she learn to love this mafia boss? How about the mafia boss? Matututunan din kaya nyang mahalin ang bab...