Chapter 50

883 40 29
                                    

Dedicated to ReaTanga
& prttyshrlie

Lilliane Marquette-Montecillo

"I can't be home tonight. All of you should behave. Lalo na ka na Ark. No parties for you."

Nakikinig lang kaming lahat sa mga bilin ni Aldrin habang kumakain ng umagahan.

Nakatinginan kaming tatlo, lihim na nakahinga ng maluwag naman kami dahil hindi na talaga kami mahihirapan pang mag-isip ng dahilan para makaalis ako sa mansion mamayang gabi.

Apat lang kaming kumakain ngayon, si lolo kasi ay nagpahatid na lang ng pagkain sa kwarto niya. Tinatamad yatang bumaba.

"I'll alert all the guards. No escaping business for the three of you." Matalim niya kaming pinasadahan lahat ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko nang pati ako ay tignan niya nga ng masama. Napanguso ako.

Parang hindi ako asawa ah.

"Understand?"

Walang sumagot ni isa sa amin kaya napahinto ako sa pagnguya at agarang nilunok ang kinakain.

"Are you three listening?" tanong ni Al. Kanina pa nga siya salita ng salita pero parang Wala namang nakikinig sa kanya.

Bumuntong hininga si Al at napunta sa akin ang mga tingin. Nginitian ko siya ng matamis. Lumambot ang expression niya at ngumiti rin.

"I love you, wife." Sabi niya nang walang boses.

"I love you too." Sabi ko rin pero walang boses. Ngumuso pa ako sa harap niya na parang hahalik kaya nanlaki ang mga mata niya at namula.

Inantay kong tularan niya ang ginagawa ko pero umiling lang ito sa akin. Mukhang natatawa pa.

Bakit ako tinatawanan Niya! Eh pinapakilig ko lang naman siya ah! Hmmp.

"Any update about our mafia, kuya?" biglang tanong ni Angelo. Tapos ng kumain.

Nagpatuloy naman ako sa pagkain at hinayaan silang mag-usap.

"I'll handle this, Angelo. No need to worry about it." Si Aldirn.

"Are there still any threat to us?" Si Ark naman ang nagtanong.

"There will always be a threat Ark." Seryosong sinabi ni Al.

Pagka-alis ni Aldrin ay nagtipon agad kaming tatlo.

"Pinaghigpit ni kuya ang security. Hindi yata tayo makakalabas."

"Hindi naman natin kailangang lumabas lahat eh." sabi ko. Iniisip na ako na lang ang lalabas para mas safe pa rin sila dito sa mansion.

Tiningnan nila ako ng masama.

"We're all in this mission." Mariing sabi ni Ark. Tumango ako.

"We should distract the guards who's monitoring the CCTV. Tapos pwede tayong dumaan sa pinakalikod na pader."

Nagplano kami ng mga gagawin nang makarinig ng pagkatok sa pintuan. Sabay sabay kaming napalingon doon habang nanlalaki ang mga mata.

Para kaming mga pusang nahuling nagnanakaw ng ulam.
Nagsalita si Angelo nang makarecover.

"H-hey! I said I don't want to be disturb! I'm studying here! Go away!" Kunwari ay inis na sigaw ni Angelo.

Sinamaan ko siya ng tingin na ipinagtaka niya.

"What?" bulong niya.

"Ba't ang galing mong magsinungaling?" Ngumisi lang ang magkapatid sa akin.

Napailing na lang ako nang maisip na naglilihim din pala ako. Lahat naman yata ng tao ay nakakapagsinungaling sa kung ano mang sitwasyon.

Accidentally Married With A Mafia Boss[On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon