Chapter 27

98 10 3
                                    

Chapter 27

" Kaano-ano mo ang namatay, Miss?"
Tulala ako hanggang sa dumating ang mga pulis. Hindi ko alam kung paano ko sila natawagan sa kabila ng nanginginig kong kamay.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. The image of Kevin's dead body is imprinted in my head.
Ilang beses ko siyang minura sa isip ko pero hindi ko naman hiniling na sapitin niya ang ganun.

" Miss?"

Saka lang ako napaangat ng tingin sa lalaking pulis na nagtatanong. Dinala nila ako sa police station para mag-interview habang ang bangkay ng dati kong nobyo ay hindi ko namalayan kung saan na dinala.

" Kaano-ano mo ang namatay?"ulit niya.

" Ex-boyfriend ko po."sagot ko.

" Pwede ko bang makuha ng impormasyon niyong dalawa?"

Ibinigay ko naman ang hinihingi nito. Napansin kong patingin-tingin siya sa computer niya tapos sa mukha ko. Mukhang hindi siya maka-focus sa pagtatrabaho dahil sa mukha ko. Hindi ko na din alam kung anong itsura ko ngayon.
" Bakit po?" tanong ko.

" Para kasing pamilyar ka. Gabriella Morante, 'di ba?"

Tumango ako. Teka. Huwag mong sabihin na may criminal record ako?!

" Para kasing may nagreport dati na nawawala ka eh."

Napalunok ako. Hindi kaya isa iyon sa palabas nina lolo? Ang pagmukhaing nawala ako tapos namatay ako? Sila lang naman ang makakagawa ng mga ganung bagay.

" Pwede ko bang matanong kong sino?"

Umiling naman siya. " Baka kamukha mo lang. Saan na nga ba tayo?"

Gusto ko sanang magtanong tungkol doon pero mas mabuti huwag na. Baka mabisto pa akong gumagamit ng maling apelido.

Ang dami pa niyang naging tanong tungkol sa amin ni Kevin pero alam ko naman kung ano ang pinupunto niya.

" Alam mo ba kung ano ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay? Matagal na ba kayong naghiwalay?"

" H-Hah? N-nagpakamatay? Hindi 'yun magagawa ni Kevin."

Imposibleng gawin iyon ni Kevin sa sarili niya. Wala siyang dahilan para magpakamatay. At hindi naman siguro ang paghihiwalay naman ang dahilan. He was greedy for money, siguro ay mga mga naging kaaway siya.

" Sigurado ka ba?"

Bago pa ako makasagot, napalingon kami pareho 'nung may dumating. It was Kevin's girlfriend. Parang toro ito na papalapit sa'kin.
" Ikaw! Ikaw ang pumatay kay Kevin!"galit niya akong pinagtuturo.

Ano daw?!

" Anong sinasabi mo?"

" Miss, huminahon ka. Sino ka ba?"the police officer interrupted.

" Ako ang girlfriend ni Kevin Angeles. At sinasabi ko sayo, ang babaeng 'yan ang pumatay sa boyfriend ko!"

Ano?! Naka-drugs ba siya?!
" Hindi ko magagawa 'yun!"

" Paano mo mapapaliwanag kung bakit nasa apartment ka niya hah? You were there to kill him!"
Napatingin naman sa'kin ang pulis. Paano ko nga maipapaliwanag kung bakit nandoon ako? Magiging suspect talaga ako dahil ako lang naman ang nandoon.

" Nandoon ako para kunin ang aso ko."paliwanag ko.

" Sa tingin mo makakalusot ka sa dahilan na 'yan? Ang daming pwedeng maging rason para patayin mo ang boyfriend ko! Hindi ba't hindi mo matanggap na iniwan ka niya? At noong nagmamakaawa kang balikan ka niya, hindi ka niya tinanggap?"

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon