Chapter 3

808 31 2
                                    

Chapter 3
--

Sinabi niya bang estate?!
What does he mean by that huh?

Namalayan ko na lang na naipasok niya ako sa isang bedroom at marahas akong itinulak sa higaan.

" Hoy! Ano bang problema mo Mister? Kanina-"
nabigla ako nung may lumipad na malaking bagahe sa mukha ko. It landed flat on my face.

" Aray! " napahimas ako sa mukha ko saka tinabig 'yung bag at sinamaan ng tingin iyon lalaki. " Napakawalang-" bago pa ako makapagsalita biglang may tumahol sa gilid ng kama.

Nanlaki ang mata ko nung makita si Tootsie. May tali siya sa leeg at patalon talon nung makita ko siya.

" Tootsie? Bakit--teka nandito ka rin?" napaawang ang labi ko saka inangat ang tingin sa lalaking naka-cross arms na ngayon sa harap ko. His face is impassive as before.

Somehow, his built and aura seems familiar. Kilala ko ba ang olympian god na 'to? Imposible. Nagagawi ba ang tulad niya sa mundong ibabaw?

Naputol ang pag titig ko sa kanya nung magsalita siya. " Gabriella Arevalo." sabi niya.

Napakurap ako nung banggitin niya ang pangalan ko.

He knew who I am.

Paano niya alam ang pangalan ko?

" Paanong alam mo ang pangalan ko? " then my eyes widened. " Stalker ba kita?!" turo ko sa kanya.

He smirked but then it disappeared right away. " You wish."

Napakagat ako sa labi ko nung makita kung paano niya bitawan ang mga salitang 'yun.

" Eh sino ka at bakit alam mo ang pangalan ko?" tanong ko.

" Sasagutin ko 'yan pagkatapos mong maligo Ms. Arevalo. You smell like rotten egg." walang emosyong sabi niya.

Huh!

Huh!

A-anong sinabi niya?

Napaamoy ako sa sarili ko at napasimangot.
Oh hell I am!
Pero mas nakakagulat na gusto niya akong maligo muna. Hindi ba pwedeng mag-explain muna siya?!

Matiis ko pa naman ang amoy ko pero hindi ang kaguluhan sa isip ko.


Inangat ko ang tingin sa kanya. " Sino ka ba talaga at nas'an ako hah?"

" I answered that already."

" Saang parte ba ng earth ang estate na 'to?"

Hindi siya sumagot bagkus ay umayos ng tayo at isinuksok ang magkabilang kamay sa pantalon niya.

Oh god. Bakit kahit saang anggulo ang hot ng lalaking 'to?

" Nasa Pilipinas ka pa rin naman. I'll leave you for a while. Hanapin mo na lang ang banyo. I guess you can manage to bath yourself."

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon