Chapter 10

450 19 0
                                    

Chapter 10

***

" T-teka! Sa'n tayo pupunta?"
Pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni Sofia sa braso ko pero mukhang may history ata ang babaeng 'to pagdating sa gripping contest. I remember her being Faye's friend. Nagkakasundo sila sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapahiya sa isang taong mas mababa sa kanila. They have this barbie doll's face but chucky doll's attitude.

Huminto lang si Sofia sa tapat ng isang dressing room bago niya ako hinarap.
" May nakapagsabi sa'kin na nangangailangan ka daw ng pera. Kaya isipin mo na lang na tulong namin sayo 'to."sabi niya, wearing that innocent face.

" Anong tulong?"tanong ko pa.
Nagulat na lang ako nung buksan niya ang pinto sa dressing room at tinulak na ako.

" 'Wag ka ng magpasalamat. Just take this opportunity."sumilip siya sa mga tao sa loob. " Oh. Kayo na bahala hah? Make sure na magugustuhan siya ng mga bidders? K?"nagpa-cute pa siya sa kanila bago niya ako nilingon at kinindatan. Bago pa ako makapagsalita, mabilis na siyang tumalikod at umalis.

Naramdaman kong parang may tao sa likuran ko kaya lumingon ako. Muntik na ako matumba sa gulat nung makita ko ang isang bading na grabe sa kapal ang make-up. Hindi na halos bumagay ang mga pinaglalagay niyang kulay sa mukha niya kaya nagmukha na siyang christmas tree.

He eyed me from head to toe then back again.

" A-ahm-"hindi ko alam kung tatakas na ba ako o ano. Nakakatakot kasi ang itsura niya.

" Ang ganda mo ha? Infairness sayo. Maupo ka muna doon. Ayos ka na rin naman. Maya-maya lang magsisimula na ang bidding."she flipped her long wig and roll her eyes.

Gusto kong iproseso ang mga nangyayari pero hindi ko na nagawa dahil sinalubong na ako ng mga matatalim na tingin ng mga babae na nandito sa loob.

" Bago lang ata." narinig kong sabi ng isang babae sa katabi niya.

Hindi ko na lang sila pinansin sa kabila ng mga mapang-akusa nilang mata. Napansin ko lang ay ang isang babae sa tabi na tahimik at nakatingin lang sa repleksyon niya. Mukhang tulala siya at malalim ang iniisip.

" Magsisimula na ang bid in 5 minutes. Maghanda na kayo girls."

Napalingon kami dahil may sumulyap na babae sa pinto na madali 'ding umalis. Kasabay 'nun ang paggalaw ng mga babae at inayos ang mga sarili. Napansin ko rin ang mga suot nilang dresses ay masyadong revealing.

Nakatingin lang ako sa kanila.

" Ikaw, halika at i-reretouch muna kita."nagulat ako nung may humila sa'kin at pinaupo kaharap iyong salamin.

" Kailangang makahakot ng bidders, andaming businessmen sa labas! Nako! Sayang ang pagkakataon."
Salita ng bakla na na-meet ko kanina. She started applying foundation on my face.

" E-excuse me-"
I tried to stop him but he's too focused with his work.

" 'Wag mo kong artehan ha! Kanina pa ako naha-high-blood sa inyo. Isa pa 'tong maarte na 'to. Hai nako! Nasisira ang beauty ko sa inyo."

Saka ko lang napansin na nasa tabi ko iyong tinutukoy nung bakla. Siya 'yung babaeng kanina pang walang kibo.

" Ang totoo, hindi talaga ako dapat ako nandito kaya tigilan-"
Pinutol niya agad ako.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon