Chapter 24

685 19 17
                                    

Chapter 24

" Asan si Mr. Claud?"tanong ko kay Kim 'nung makabalik sa opisina.

" Hindi ko alam kung saan ang lakad. Basta umalis siya at mukhang hindi na 'yun babalik hanggang mamaya."sagot nito.
Halatang abala siya kaya hindi na ako nagtanong ulit.

Saan naman kaya pupunta si Mr. Claud? Ni hindi nag-abiso sa'kin. Paano 'pag hinanap nanaman siya sa'kin? Anong sasabihin ko? Role ko na pa naman ang taga-sagot sa Lost and Found na CEO.

Tama nga si Kim. Natapos ang office hours at hindi na bumalik si Mr. Claud. Naisipan kung maghanap muna ng boarding house bago umuwi sa mansion. May mga available sana kaso kung hindi mahal ang upa, hindi naman komportable ang paligid.
Tumigil lang ako sa paghahanap 'nung malalim na ang gabi. Malayo pa naman ang byahe papunta sa estate ni Mr. Claud.

Napagod ako sa trabaho kaya maaga pa nakahiga na ako sa kama.
Patulog na sana ako 'nung makarinig ng pagkabasag sa baba.
Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa sala. Nakayapak pa ako habang suot ang pantulog. Nakarinig ako ng nagmumura mula sa kusina.
Sumilip ako doon pero wala akong nakita. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ako pwedeng paglaruan ng pandinig ko. Alam kong dito ko narinig ang boses.

Unti-unti akong naglakad paikot sa mesa na nasa gitna ng kusina 'nung halos mapatalon ako sa gulat. Someone rose from the ground! Isang pamilyar na malapad na likod ng lalaki ang nakita ko.

" Ay! Butiki ka!"

Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang mabilis na kabog 'nun dahil sa gulat.

'Nung humarap siya sa'kin saka ako napabuga ng hangin.

Gwapong multo naman nito.

" Mr. Claud! Ikaw lang pala. Akala ko naman kung ano-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin 'nung mapansin ko ang pamumula ng mga mata niya. His hair is a mess. Wala na rin sa ayos ang kwelyo niya. Akala mo'y napaaway sa kanto, except wala naman siyang galos.

" Ayos ka lang, Sir?"

Imbis na sagutin ako ay tinalikuran nilagpasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi na pantay ang lakad nito papalapit sa ref. May nilabas siyang bote ng beer doon.

Nilingon niya ako. " Clean up the mess."turo niya sa sahig doon sa parte kung saan ko siya nakitang tumayo kanina.

Nakita ko ang basag na baso doon at ang nagkalat na tubig. Nung linungin ko ulit siya, nakalabas na siya ng kusina.

Kita mo 'yun! Magkakalat tapos hindi lilinisin.

Napabuntong-hininga ako saka niligpit ang nagkalat na basag na baso.
Sa estado ni Mr. Claud, halatang lasing ito. Ngayon ko lang ata nakitang lasing 'yun.
Ayos lang kaya siya?  Halata kasing may problema siya. Kaso kelan ba naubusan si Mr. Claud ng problema?

Pagkatapos kong linisin ang nagkalat na bubog, lumabas ako ng kusina. Pabalik na ako sa taas 'nung mahagip ng mata ko si Mr. Claud na nasa sala.
Kusang naglakad ang paa ko papalapit sa kinaroroonan niya. He was sipping on his beer while he sits on the couch. Tinanggal na niya ang necktie niya pati ang coat.

" S-Sir.."tawag ko ng may pag-aalangan.

Nilingon niya ako. Papikit-pikit na ang mata niya.
" What?" his voice was a bit slurred.

" L-Lasing ka na.."

" So what?"he said lazily. " Don't mind me. Matulog ka na."

Nagpatuloy siya sa pagtungga ng bote. Ilang sandali akong napaisip kung ano ang gagawin pero sa huli, humakbang na lang ako palayo at talikuran siya. Bumalik ako sa kwarto at nahiga pero hindi ako makatulog.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon