Chapter 22

356 17 8
                                    

Chapter 22

" Ay iba din! Anong meron sa day-off mo kahapon at blooming ka?" tanong ni Kim 'nung naupo ako sa cubicle ko. She's talking about my new look. Pati ang ibang empleyado iyon din ata ang pinapansin sa'kin simula ng dumating ako.

" Kanina lang ako napadaan sa salon."I honestly said.

At kung ang tinatanong niya ay ang nangyari sa day-off ko, hindi ko alam kung kaya kong i-kwento ang mga eksena. I realized that I would never tell anyone about Mr. Claud's business outside this premises.

" Nagkataon lang ba na sabay kayong nahuling dumating ni Boss?"she wiggled her eyebrows.

" Hindi. Magkasabay talaga kami."

" Lagi naman kayong magkasabay pumasok eh. Siguradong maaga kang pumupunta sa bahay ni Sir, noh para sabay kayong pumasok."

I was silent for a moment. Hindi nga pala nila alam na sa mansyon ni Mr. Claud ako nakapirmi. Ang pagiging PA ko pa nga lang marami ng nagdududa, paano pa kaya kapag nalaman nilang doon ako nakatira sa mansion mismo ni Mr. Claud.

" A-Ah. Oo."sabi ko." Nahuli kami ng dating kasi idinaan niya ako sa salon. Kailangan ko daw ng make-over."

Bahagyang nawala ang ngiti niya bago bumalik ulit iyon at mad malapad na. " He favors you a lot, Gab. You even know where he lives while he don't even let me stay beside him for long.. Ah! Sige, balik na muna ako sa trabaho, hah?"

Tumango ako at hindi pigilang mapansin ang maliit pero weird na reaksyon niya. Babae ako kaya hindi ako pwedeng magkamali sa nabubuong ideya base sa mga kinikilos niya. Pero hindi ako pwedeng humantong sa conclusion hanggang hindi ko nasisiguro ang lahat.

Nagising ako sa malalim na iniisip 'nung tumunog ang telepono sa mesa ko. Tumawag si Mr. Claud dahil may iuutos. Mabilis naman akong pumasok sa opisina niya.

Dala ang papeles na inutos, naglakad ako papunta sa IT department. Pinirmahan niya kasi ang request ng department para sa pagpapalit na ilang computer equipments. Naiwan ko siya sa opisina niya na subsob nanaman sa mga papel na kailangan niya pang i-review at aprubahan.

Hindi ko mapigilang magbigay ng opinyon tungkol 'dun.
" Sir, alam niyo mas mapapadali ang trabaho nating dalawa sa mga paperworks kung i-se-send na lang sa email niyo. Ang galing ng naisip ko di ba?"

He never looked at me. " You think I don't do that? My email and social accounts are already filled with messages, I couldn't add some more."

Grabe. Ganun ba talaga kapag CEO?
Teka..may facebook kaya siya? Malamang meron. It's a necessity to be socially active lalo na't bigatin siyang tao. Maybe I should add him as a friend.

Pagpasok ko pa lang sa pinto ng department, napansin ko agad ang tingin ng mga nandoon. Nahahati sa dalawang kwarto ang department. Sa kanan ang mga cubicle ng mga programmers at sa kaliwa ang para lamang sa paper works kung saan nandoon ang department head.

Nilapitan ko ang cubicle ng secretary ni Mr. Buckett D. Matuwid.
Seryoso. Unang kong nabasa ang pangalan niya, tawa ako ng tawa. Pinag-isipan talaga ng mga magulang niya ang first name niya eh. Tapos baka hindi nila naisip na pronounced as 'Bakit' 'yun. Paniguradong na-bully ito dati 'nung nag-aaral dahil sa pangalan.

" Hi, Liza!"masaya kong bati sa sekretarya niya. Ngumiti ito. Ilang beses pa lang ako pumunta dito pero malapit na kami ng sekretarya.
" Ang ganda mo ngayon, pramis."sabi ko at nag-blush siya. Ang dali niya kasing bolahin.

" Mas maganda ka Gab. Ibang iba ang look mo ngayon ah."

Napahaplos ako sa buhok ko. " Nakaka-conscious na nga. Kanina pa pinapansin."

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon