Chapter 26

113 4 3
                                    

Chapter 26

" You're crazy!"

Naitikom ko lang ang bibig ko habang nakaupo sa dulo ng couch ng opisina niya. I was pouting like a kid scolded by her parent.
Pagkatapos kong sakalin ang boss ko, himalang buhay pa ako sa mga oras na 'to.

Inayos ni Mr. Zobial ang necktie niyang nagusot dahil sa ginawa ko. Ang totoo niyan hindi naman talaga siya nasaktan kasi 'nung sinakal ko siya, agad naman siyang nakawala.
He even pinned me on his desk saka may itinapat sa mukha ko na pabilog na salamin. Kahit ako natakot sa nakita kong imahe doon. Huli ko na napagtanto na ako pala 'yun!
Nagkalahat ang eyeliner sa ilalim ng mata ko 'nung maghilamos ako.

" Ah. Hehe. Ako pala 'yung mukhang multo."sabi ko sabay parang daga na lumayo sa kanya.
He turned to me habang ako nag-iwas ng tingin. Maya-maya may lumipad na panyo papunta sa mukha ko.
" Fix yourself, Ms.Arevalo."sabi niya.
Mahina akong tumango saka agad na sinunod siya.

" Also, fix your.." he made a circle on his head with his forefinger in the air saka tinuro ako. " The screws in your head seem loose."

Imbis na magalit sa insulto ay tumango lang ako. I saw him almost smiling.
Gusto kong tampalin ang sarili ko. Tama nga si Mr. Zobial. Baliw na ako. Nakakahiya talaga!
Paniguradong tainted na ako sa paningin niya. Huhu.

Ilang minuto pa ang lumipas na tahimik lang ako sa couch while his full attention was on me.
Hindi ako kikibo, I swear! Hahayaan ko na lang na matunaw ako dito!

Naramdaman kong tumayo siya at naglakad papalapit sa'kin.
" What is this?"
Bago pa ako maka-protesta, nakuha na niya ang papeles na hawak ko. He flipped the pages. Nakitang ko siyang ngumisi na parang may nakakatawa doon.

"Who gave this to you?"tanong niya.

I feel like I had to answer.
Di ba nga may atraso ka, Gabriella?

" A-ang pinsan kong si Bobby. Balak ko sanang ibenta na lang sayo ang resthouse ni dad kapalit ng utang ko."

Para makalayo na ako sayo!

He hands it out to me. " Hindi ito ang orihinal na mga papeles."

Napakunot ang noo ko. Kinuha ko iyon sa kanya at tiningnan ang nakapaloob. I couldn't even tell if these papers are original or not but he can?
" He fooled you."

" H-ha? Imposible.."

" And probably now he has the original papers and ready to sell your father's property."sabi pa niya.

I was dumbfounded for a moment. Prinoseso ang sinabi niya.

Hindi iyon magagawa sa'kin ni Bobby. He was different. Hindi siya kagaya-
My head started to hurt. Kahit ang utak ko ay nagdududa.

" If not your grandfather, your cousins. Your family really hold a grudge against you, huh?" namamangha niyang sabi.

I wasn't in the mood to listen to him. Para siguro sa kanya nakakatawa ang sinapit ko.
Being played by her own family.

" Kung wala kang gagawin, unti-unting mawawala sayo ang lahat, Ms. Arevalo. They are going to take everything from you."

Tumayo na ako bago pa niya iyon mapansin ang pagiging balisa ko. I raise my head and faced him.

" Maliit lang naman iyon na property. Kung gusto niya iyon, edi sa kanya na. Ayokong mag-aksaya ng brain cells sa tulad nila."

" Are you sure?"

Tumango ako. " Uhm.. ipagtitimpla lang kita ng kape."sabi ko. Hindi ko na inintay ang sagot niya sa agad na lumabas sa opisina niya.

As soon as I got out, I felt my knees weaken so I held onto the door. I looked at the papers again.
Kung totoo nga ang sinabi ni Mr. Zobial then these papers are useless.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon