Chapter 17

362 13 0
                                    

Chapter 17


I have a day-off. Akalain mo 'yun!
'Nung sinabi iyon ni Kim, hindi ko mapigilang mapatalon sa tuwa. Of course, alam kong may day-off naman talaga lahat ng empleyado pero sa case ko, alam kong imposible.

Walang day-off ang big boss ng Zobial Corporation at bilang personal alalay este assistant niya, inexpect ko na wala rin akong day-off.

Utos dito, utos doon. Ganyan ang role ko.
At aaminin ko, pati ang ibang empleyado, inuutusan na rin ako. Deliver this, deliver that! For short, muchacha ako ng kompanya!

Kung paano nangyari?
Iyon ay nung minsang nakisuyo ang IT department na magdala ng paperworks sa Audit department tapos ako na rin nautusan ng Audit na magdala ng dokumento sa Cashier and rest happened.
At hindi biro ang laki ng Zobial Corporation para sa pabalik-balik kong tour.

Hindi ko naman tinatanggihan ang mga nag-uutos sa'kin dahil wala akong karapatan na magreklamo. Bago pa lang ako at kailangan kong mag-iwan ng magandang impression sa iba. Kahit gusto ko ng magreklamo, hindi ko ginagawa.

Kaya kapag talaga umalis ako sa top floor at may inutos si Mr. Claud sa lower floors, asahan mong ilang oras akong makakabalik niyan. Kung saan-saang department na kasi ako napupunta kakautos ng iba. Hindi na ako personal assistant ni Mr. Claud, isa na akong "bring-bring" employee.

Kaya nung malaman ko kanina na day-off ko nga bukas, hindi ko mapigil ang tuwa. Finally! A break!

" Naibigay ko na ang address ng office sayo through email, Joey. Ready ka na bukas para sa interview. Basta magdala ka lang ng resume. Ang boss na mismo ang mag-iinterview sayo."sabi ko sa telepono.

Si Joey ang tinutukoy ko na irerekomenda ko kay Mr. Claud. She's a programmer I knew from Dad's company. She has the skills and I witnessed that. Marami siyang naituro na hindi kaya ng iba. I am amazed with her skills.
Unfortunately, bigla siyang pinaalis sa company. Siya ang itinuturong naglagay ng virus sa mga computer kaya naputol ang ginagawang software project ng company. Hindi naman ako naniniwala doon. She's become my friend at alam kong hindi niya magagawang traydurin ang company. Pero siya ang iginigiit ni lolo doon. Balak nga sana nitong sampahan ng kaso si Joey kung hindi pa ito aalis ng kompanya.

Hindi man lang pinaimbistigahan ang nangyari dahil sigurado silang si Joey ang gumawa. And that was injustice.
Wala akong magawa noon kundi ang paulit-ulit na makiusap kay lolo na huwag sampahan ng kaso si Joey dahil nag-iisa na lang ito sa buhay. She doesn't have a family. She struggles to live on her own.

When I was begging him for that, nagulat ako nung ibaling niya sa'kin ang turo. Sabi niya na baka daw ay kasabwat ako para masira ang project ng kompanya. Of course! I thought, he's gone crazy for speculating me because he totally may have lost his mind.

Bakit ko sisirain ang kompanya ni Dad? I love my Dad and all his hardwork! Anong motibo ko para gawin 'yun?

'Nung matapos ang intenship ko at mapatalsik si Joey, saka lang natapos ang ispekulasyon sa'kin. Ni hindi ko nalaman kung sino talaga ang may pakana.

Nawalan lang kami ng communication ni Joey pagkatapos kong mapalayas sa bahay ng mga Arevalo.

" Thank you so much, Gab. Hindi mo alam kung gaano ako ka-saya nung matanggap ang email mo. Wala na akong balita sayo pagkatapos nung nangyari. Pero paanong nasa Zobial Corporation ka nagtatrabaho? Hindi ba mahigpit na kalaban iyan ng kompanya ng Dad mo?"

Nakakatuwang isipin na kahit wala na si Dad. Naaalala pa rin ng tao kung kanino talaga ang kompanya.

Pero mas nakakagulat na wala siyang nabalitaan sa media sa pinagsasabi ni lolo na patay na ako. Nabasa ko iyon sa newspaper at sa magazine.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon