Chapter 18

363 17 1
                                    

Chapter 18

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa mesa ko, iniisip pa rin ang mga sinabi ni Mr. Claud.

Hindi ako sumabay sa kanya sa tanghalian at sumama na lang kina Kim at Jen sa may canteen. The building has its own canteen and it is big and spacious. They have chefs here na parang sa restaurant din ang mga niluluto. Hindi ko lang alam kung maarte ang dila ni Mr. Claud kaya hindi na lang siya mismo nagpapaluto dito ng gusto niyang pagkain.

Anway, he's too unpredictable.

Habang kumakain, I heard the other employees in the canteen talking about the resignation of one of Mr. Claud's intel.

" Hindi talaga siya tinanggal ng big boss. Siya mismo ang nagresign. Sa lahat ata ng empleyado ng big boss, ang intel niya ang bibihira niyang pinag-iinitan hindi ba nakakapanghinala 'yun?"

" Ang alam ko halos mag-dadalawang taon na iyong nagresign. Iyon na ata ang pinaka-matagal dito!"

" Nakita ko nga 'yun kanina eh, aligaga na makaalis dala-dala ang mga gamit."

" Siguro may ginawa ang big boss 'dun na hindi nagustuhan kaya ito na mismo ang nag-resign. Kilala niyo naman 'yun, halimaw. Kaya hindi na nakakapagtakha kung walang pumapasa sa kanya at walang nagtatagal."

" Manahimik nga kayo. Baka marinig tayo at masesante tayo. Ssshh. Kung hindi nga lang talaga gwapo hindi ako magtitiis dito eh. "

" Totoo namang may sungay 'yang si Mr. Zobial eh. Gwapong demonyo kamo."

Napalingon ako doon sa table ng mga empleyado, di kalayuan sa amin. Nagtatawanan sila habang 'yung isang lalaki, naka-gesture ang dalawang daliri sa ulo na parang sungay.

" 'Wag mo na lang pakinggan, Gab. Karamihan talaga ganyan dito.  Pero kapag nakaharap na 'yan kay Mr. Zobial, parang mga tutang nababahag ang mga buntot at akala mo mga naging santo."sabi ni Jen.

" Dapat nga magpasalamat sila dahil kung hindi kay Mr. Zobial, wala silang trabaho na malaki ang sweldo tulad ng Zobial Corporation."si Kim.

" Kaya dapat nilang ipagmalaki na nagtatrabaho sila dito."

Tumusok ako ng streak at sinubo iyon.
" Tomo nomon solo, do bo?"sabi ko. Sabay silang napaamang sa'kin habang ngumunguya ako.

" Hah?"sabay pa silang nagtanong.

Sumenyas ang daliri ko para sabihin mag-intay sila saka ko nilunok muna ang kinakain ko.
" Halimaw naman talaga si Mr. Claud."sabi ko.

Napaawang lalo ang bibig nila at nagkatinginan.

Eh kasi totoo naman talagang halimaw ang lalaking 'yun. Pumatay nga 'yun ng tao eh kaya hindi siya matatawag na tao. Halimaw siya.

I get it. Dati siyang marine at sundalo kaya natural na sa kanya ang pagpatay ng tao pero kung hindi naman para sa mabuting cause, that is a crime. He is not licensed to kill anyone.

Pero baka isipin niyo na wala akong utang na loob pagkatapos ng ilang beses niyang pagligtas sa'kin, kaya nga pinagtitiisan ko siya eh.

" Hindi namin alam na ganyan din ang tingin mo kay Mr. Zobial, Gab. You work closely to him, so I guess you know him very carefully now. So I won't judge you if that's what you think of him."si Kim.

" For me he's just too uptight."sabi pa niya.

Sus. Nalilinlang ka lang ng mukha at karisma niya kaya hindi mo siya maisipan ng masama, Kim.

'Nung pabalik na kami sa taas, pinag-usapan na rin nila ang tungkol sa nagresign nga daw na isa sa intel. Wala naman akong opinyon 'dun kaya sila lang ang nag-uusap.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon