Chapter 29

138 9 9
                                    

Chapter 29

Sunod ako ng sunod kay Devin hanggang sa makarating kami sa venue. Sa garden idinaraos ang pagtitipon. May two-storey building sa magkabilang side ng garden. It reminded me of a school. May mini stage sa harapan at may nagsasalita doon. Hindi ko masabayan ang sinasabi nito. Ang tanging naintindihan ko lang ay nagpasalamat ito sa pagdalo ng lahat sa anibersaryo ng foundation.
Naalala kong iyon nga pala ang sinabi ni manang Elsie sa'kin.

Hinanap naman ng tingin ko si Mr. Zobial. Ganun din pala ang ginawa ni Devin dahil 'nung pareho namin siyang nakita, hinila niya ako agad papunta doon.
Kinalas ko agad ang kamay niya sa braso ko." Kaya kong maglakad noh!"

He raised his both hands. " Sorry. I just thought I need to take you to him."

" Pupuntahan ko naman talaga siya."sabi ko.

He smiled like a cat. " Hindi na talaga kayo mapaghiwalay noh? The way you shouted at him a while ago, no one ever did that before. You are a cunning one, huh?"

" Pinagsasabi mo?"

" You were begging him to never leave." nilagay niya ang kamay sa dibdib niya. " I'm rooting for you. But just a piece of advice.."he leaned in to whisper. " He prefers the reserved type."
Lumayo siya na may bahid ng mapanuksong ngiti.

Sandali akong hindi nakapagsalita. Napaisip ako bigla pero agad ding nakabawi. Hindi ako makapaniwalang napaisip ako sa huli niyang sinabi.

" Mali ang iniisip mo. Walang namamagitan sa'min. "
Bakit kasi ang kapal ng mukha ko kanina? Kainis. Siguradong kahit sino ang makakarinig 'nun aakalaing nagmamakaawa na wag iwan ng jowa.

" No, dear. You're lying to me."

Napangiwi ako sa tinawag niya sa'kin.
" Wala nga kasi. Sa katunayan siya ang nakiusap sa'kin para-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko 'nung matanaw ang mama ni Mr. Zobial na papalapit. Nanlaki ang mata ko 'nung makita ako nito. Taranta kong nilingon si Mr. Zobial na may kausap.
Iniwan ko si Devin ng walang pasabi para agad na puntahan si Mr. Zobial. I clung into his arm like a vine.
Mukhang naistorbo ko sila ng kausap niya kasi natigil silang dalawa at napatingin sa'kin.

" Babe, pwede ba kitang makausap?"pa-cute kong sabi. Halos gusto kong masuka sa lumalabas sa bibig ko. Hindi ko rin alam na sa dinami-dami ng pwedeng endearment iyon pa talaga ang ginamit ko. Ni wala lang kaming endearment ni Kevin noon.

" Excuse us."sabi nito sa kausap at umalis naman iyon.
Hinarap naman ako ni Mr. Zobial at binaba ang tingin sa braso kong nakakapit sa kanya.

" Ngumiti ka."utos ko sa kanya. Magsisimula na ang totoong drama.
Kumunot naman ang noo niya.

" Claud."

Napalunok ako 'nung marinig ang boses ng mama niya sa likuran ko. Awtomatik na tumaas ang magkabilang gilid ng labi ko 'nung harapin siya.

" Ma.."sabi naman ni Mr. Zobial.

" You're late."sabi nito animo'y para itong principal na sinisita ang mga estudyante.

" G-good evening po." bati ko sa kanya kahit namamawis na ako sa kaba.
Binalingan naman ako nito. She scanned me from head to toe. At nung masatisfy siya sa itsura ko saka lang ako nito tinigilan.

Phew!

" Kanina ka pa hinihintay. Let's go."she gestured us to follow her. Naramdaman kong bumuntong-hininga si Mr. Zobial na parang labag sa loob ang ginagawa.

Napatingin naman ako sa kamay kong nakakapit sa matigas niyang braso. 'Nung tumalikod na ang mama niya ay agad ko na iyong tinanggal.

" Pasensya na. Akala ko kasi magandang ideya."sabi ko. Wala rin naman palang kwenta kahit i-glue ko ang sarili ko sa kanya. Hindi naman lahat ng may relasyon sweet sa isa't isa. Hindi din naman iyon ang tinitignan ng mama niya.
Na-stress pa ako kakaisip kung paano umarte.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon