Chapter 20

314 12 0
                                    

Chapter 20

" Noong fiesta sa'min andaming palaro sa barangay! Sinubukan ko ngang sumali 'dun! Sinalihan ko lahat! Hindi ko makakalimutan 'yung nadapa ako sa sack race." tumawa ako ng malakas na parang walang bukas habang nagkukwento. " Tapos ang nakakatawa doon, 'nung hindi ako makabangon, biglang nagtatakbo sa'kin si Ella tapos itinayo ako kahit hirap na hirap siya kasi.." tumawa ulit ako." ang liit-liit pa kasi niya. Pero kahit nakabalik ako sa laro, huli na, may nanalo na. Pagkatapos 'nun inaway ako ni Ella kasi hindi namin nakuha 'yung prize na isang plastic ng lollipop!"

Hay! Nakakamiss lang talaga ang probinsiya..

Nilagok ko muna ang laman ng baso ko.
Kukunin ko sana ang bote para magsalin ulit 'nung  inatras iyon ni Dina, katulong dito sa mansion. Siya ang kausap ko ngayon.

" Ma'am Gab, tama na po. Nakailang baso na kayo. Mukhang lasing na rin po kayo."

Napasimangot ako. " Hindi ah. Paano ako malalasing ng wine na 'yan? Eh wala nga akong malasahang alcohol content? Psh."

Parang juice na lasang grapes lang naman 'yun.

" Pero ito po ang pinakamatapang na wine dito. Tsaka baka magalit si Sir Claud kapag nalaman niyang pinakialaman mo ang wine cellar niya."

Dumikit ako sa kanya para bumulong.
" 'Wag kang matakot. Akong bahala sa kanya."I giggled like a kid.

" Pero-nako po!"
Naramdaman kong na-tense ang katawan niya.
" S-sabi k-ko n-na k-kasi s-sayo, M-Ma'am."

Napalayo ako sa kanya at napasimangot sa reaksyon niya. Sa likuran ko na ito nakatingin at halata ang takot sa mata niya.

" Iwan mo kami."sabi ng baritonong boses na nanggagaling sa likuran ko.

" O-opo S-Sir."
Mabilis pa sa alas kwatro na nawala sa harapan ko si Dina. Napakunot ang noo ko.

Aish! Dala niya 'yung bote ng wine!

I heard footsteps coming near me. Naamoy ko ang pamilyar na pabango ng boss ko 'nung daanan ako nito at naupo sa pwesto ni Dina kanina sa bar stool.

Suot pa nito ang corporate suit at mukhang kakarating niya lang galing sa trabaho.

" Drinking alone?"

Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Ang akala ko ay pagagalitan ako nito dahil naabutan niya akong umiinom ng wine niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Tinamaan ako bigla ng hiya.

Naramdaman ko siyang tumayo. Hindi ko na siya tiningnan kung saan siya pumunta. Namalayan ko na lang na naupo ulit siya.

Nasilip ko siyang may hawak na baso at bote ng panibagong wine. Binuksan niya iyon at nilagyan ang baso niya.

" Something happened?"
Pinatong niya ang bote sa ibabaw ng mesa at hinarap ako.

Hindi ko mapigilang magtakha sa kalmado niyang pakikitungo.

" H-hindi ka g-galit?"
Hindi ko mapigilang magtanong.

" I'm not in the mood for that."he said then brought the glass to his lips to drink.

Huh? Seryoso?

" Dapat ba akong mapanatag?"

" No. I want you to drink with me."he said.

I frowned while inspecting his face.
Wala siya sa mood magalit? Bago 'yun ah.

Niluwagan niya sandali ang necktie niya bago kinuha ang baso ko na walang laman at sinalinan ng wine.

Hala seryoso ba ito? Sinalinan niya ang baso ko?!
Lasing na siguro ako kaya kung ano-anong nakikita ko.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon