Chapter 13

337 19 0
                                    

Chapter 13

***

Tumigil ako sa pag-iyak 'nung may marinig akong ingay sa labas. The sound was muffled because of the car windows pero narinig ko pa rin 'yon.

Parang mga putok!

Pinatay ko ang radio ng kotse kaya mas naging malinaw ang pandinig ko.
Sunod-sunod na putok!

Pero nasa labas si Mr. Claud!
Anong ginagawa niya sa labas?!

Binuksan ko ang pinto pero agad na naisara iyon.
Halos napasigaw sa gulat 'nung marinig ng mas malakas ang putok na tumama sa kotse.

" AY PANGINOON!"

Saan galing ang mga palitan ng putok na naririnig ko?!
Panginoon, kung ano man po ang posibleng nangyayari, sana po ay mali ako.

Dahil nakakatakot..

Mukhang mga putok ng baril ang mga iyon.

Mabilis akong napa-sign of the cross habang niyayakap ang sarili ko.

Diyos ko..
May gyera ba?!

Teka..
Si Mr. Claud!
O my god! Asan na siya? Buhay pa ba siya?
Panginoon ko, sana ay ok si Mr. Claud.

Kaso hindi ako mapapakali kung hindi ko siya makikitang ok.

Nilakasan ko ang loob ko saka ay binuksan ulit ang pinto ng kotse.
Unti-unti akong lumabas na pagapang.

Nagmumula ang sunod-sunod na ingay ng putok sa likuran ng kotse.

My heart was pounding so hard.
My body is shaking and my mind is in chaos.

Pagapang ulit ako na nag-move papunta sa likuran ng kotse.

Hirap na akong huminga dahil sa takot.
Napahawak ako sa dibdib ko at pilit pinapakalma ang puso ko.

'Magiging ok ako. Kasama ko ang diyos.'
Litanya ko sa isip ko.

Sumilip ako sa likuran ng kotse 'nung biglang matigil ang putok.

Napatakip ako sa bibig ko sa nasaksihan.
May mga katawan ang nakakalat sa kalsada at palagay ko'y wala na itong mga buhay.
May mga dugo sa katawan nila.

S-sino sila?! Aong nangyayari? May shooting ba dito ng action movie?

Napailing ako.
Ang mga putok kanina totoo iyon kaya imposible ng iniisip ko!

Si Mr. Claud! O my god! Nasa'n na siya?
May kung anong takot nanaman ang lumukob sa'kin.

" F*ckshit!"

Napalingon ako sa nagmumura. Napasinghap ako 'nung makita si Mr. Claud na may hawak na baril sa kanang kamay. Nakatayo siya sa gilid ko lang!

Kaya hindi ko siya nakita!

" Mr. Claud!"
Parang adrenaline rush na napatakbo ako sa kinaroroonan niya.

" Ligtas ka.."
Halos atakihin na ako sa puso habang iniisip na baka ay gaya ng mga katawan na nakahandusay sa kalsada, wala na rin siya.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon