Chapter 8

438 25 4
                                    

Chapter 8

" Alam mo pamilyar ka? Have we met before?"
Sandaling lumingon sa'kin si Devin habang nagmamaneho.

Napalunok naman ako sa tanong niya.

" No. I don't remember."sabi ko lang saka napatingin sa labas ng kotse.

" Hindi ka ba artista?"tanong pa niya.

Wow. Nakaka-flattered naman na napagkamalan niya akong artista.
I bit my lip ang tucked the strands of my hair behind my ear.

" Hindi rin." I can't help but giggle.

Natawa naman siya kaya napalingon ako sa kanya. " Talaga? Akala ko kasi gumanap kang kampanerang kuba dati, 'yung kay Anne Curtis?"

My jaw dropped when he said that. Hindi ko mapigilang paluin ang braso niya.
" Anong sinabi mo? Nang-iinsulto ka ba?"

Tumawa naman siya ng malakas habang masama ang tingin ko sa kanya. Ganun ba ako kapanget?

" Whoa. Just kidding. Naniwala ka naman."

" Nakakainsulto 'yung sinabi mo. Hindi magandang biro!"

" Joke nga lang. Ang totoo niyan, maganda ka talaga. By the way, what's your relationship with my cousin? I'm sure you aren't his girlfriend. Hindi uso ang ganun sa pinsan ko eh."

Eh kasi naman walang papatol sa isang mob boss. Wait. Alam kaya niyang mob boss ang pinsan niya?

" PA niya ako."tipid kong sagot.

" Talaga? He never hired a PA before. Hmm. Something's fishy."ngumisi siya.

Kahit ako nagtataka rin kung bakit niya ako binigyan ng trabaho bilang PA niya eh.

" Malapit lang bibig mo sa ilong mo, baka iyon ang naaamoy mo."

Tumawa siya ng malakas sa sinabi ko.
" You're funny."

" Thank you."

Tumawa ulit siya. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa pag-thank you ko. Ang weirdo niya.

Maya-maya huminto ang kotse sa harap ng isang 5-star hotel.

" Nandito na ba si Mr. Zobial?"tanong ko kay Devin.

" Susunod na lang siya. May inasikaso pa kasi siya."
Lumabas na si Devin sa kotse saka ako pinagbuksan ng pinto.
Nakangiti niyang inilahad
ang kamay sa'kin na tinanggap ko naman. I step out of the car gracefully. Sayang ang dress kung magmumukha akong tomboy gumalaw.

Halos magkasing pantay na kami ngayon ni Devin sa sobrang taas ng heels ko.

" Again, you look beautiful Ms. Gabrielle."he grins at me.

" Gabby na lang."sabi ko kanya.

" Gabby. I like it."inilahad niya ang braso niya at sinukbit ko doon ang kamay ko.
Nagtuloy-tuloy na kami papasok sa hotel pagkatapos ibigay ni Devin ang susi ng kotse niya sa chauffer.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon