Chapter 11

433 26 1
                                    

Chapter 11

***

Nagulat ako ‘nung hila-hila na ako ‘nung bakla. Pinandilatan ako nito bago itinulak sa isang stage. Napansin kong wala na si Jamaica sa tabi ko. Hindi ko na naisip na hanapin siya ng mata ko dahil bigla na akong naistatwa nung makita ang maraming tao sa harapan namin.

Group of rich people are looking at us with satisfaction on their faces. Karamihan ay mga lalaking naka-tux.
When I mean us, I meant the other three na nakatayo din sa stage. Ito ‘yung mga kasama ko sa dressing room kanina. They were flashing their most perfect smile at the crowd.
Ako, hindi ko alam ang gagawin.

Nanlalaki pa rin ang mata ko at nagdadasal na sana maging invisible ako ngayon sa harap nila.

“ And here we have our beautiful ladies. Who will be the lucky guys who’ll bring them home?”
Narinig ko ang boses ng isang emcee na nagsalita sa mikropono.  Napalingon ako sa kanya at nakitang naglakad siya palapit doon sa unang babae.

“ Let’s start with Jane.Say hello to our bidders, Jane.”itinapat nito ang mic sa babae.
Ngumiti ng mapang-akit ang babae sa mga lalaki sa harapan namin.
“ Hi gentlemen.”she said and the men cheered.

Ang landi ng boses ng babaeng ‘yun, I swear.

Hindi ko na muna pinansin ang nangyayari habang nagsimula na ang bidding. Kailangan kong makaalis dito. Natanaw ko mula sa crowd ang  natatawang mukha nina Faye at ang mga kaibigan niya. Gusto kong itusok sa mga mata nila ang suot kong heels. Bwisit!
Gusto niya talagang gawin akong katawa-tawa eh.

Mula sa malaking bulwagan, nahagip ng mata ko ang pamilyar na bulto.

Si Mr. Zobial!

Masama ang tingin niya sa’kin at parang gusto akong patayin ng tingin. Okay. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang tingin niya pero nanlalamig ako.

Napayuko ako at parang gusto ko ng bumaba dito sa stage. Paatras na sana ako ‘nung may humawak sa braso ko.
“ And lastly, our newest recruit and I must say the most gorgeous.”
Nasa harapan ko na pala ang Emcee!

Ako na lang mag-isa sa stage! Hindi ko alam kung saan na napunta 'yung mga kasama ko kanina.

Napasinghap ako ‘nung hinila niya ako papunta sa unahan at iniharap sa mga tao. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. My throat run dry.
My hands are sweating.

“ What’s your name, gorgeous?”
Napakurap ako nung itinapat sa bibig ko ang mic. The emcee looked at me, expectantly.

“ G-Gab.”my voice was shaky and I gulped after that.
I hope walang makakilala sa'kin. This is so embarrasing. Ang akala nila sa'kin isang babaeng bayaran.

“ Pretty name. So let’s start the bid for who will take this lady tonight.”announce ng emcee.

Nanlalaki na ang mata ko. Shit. Paano ko tatakasan ‘to? Hindi dapat ako nandito!

“ 10 000!”emcee.

May nagtaas ng numero sa crowd. It was a man in his 30s.

“ 10 000 for 16.”sabi ng emcee.

“ 50 000!”a man in his 30s too said.
Napalunok ako sa biglang pagtaas ng bid.
Tapos may isa pang lalaki ang nagtaas ng nag-bid. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyayari. Namalayan ko na lang na umabot na sa hundred thousand. Dalawang lalaki na lang ang naglalaban.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon