Chapter 4

541 34 1
                                    

Chapter 4

Tinanaw ko dito sa baba kung hanggang saan and dulo ng building ng Zobial Corporation.

Nalula ata ako sa taas nun.

Hinigpitan ko pa ang hawak sa bag ko at dumiretso sa revolving doors.

Hindi pa ako nakakapasok may sumita na sa'king gwardiya.

" Ma'am bawal po ang nagbebenta sa loob."sabi nito.

Hah? Ano daw?

" Hindi naman po ako magbebenta."sabi ko.

" eh anong laman ng bag niyo at parang ang dami?"tanong nito saka pinasadahan ng tingin ang bag ko.

" bomba po at mga baril."sarcastic kong sabi.

Nanlaki ang mata nito. " Aba'y-"

" Mga gamit ko lang po ito kuya,OA niyo."bawi ko. May kinuha ako sa bulsa ng bag ko. " Nandito po ako para dito." Ipinakita ko sa kanya ang poster na nakita ko.

" Ay ganun po ba Ma'am. Sige po pero kailangan mo pong iwan ang mga dala mo." Sabi nito. Tumango na lang ako habang kinukuha niya ang mga gamit ko.

Pagkatapos 'nun nagpaturo ako ng direksyon kung saan pupunta.

Tinunton ko ang sinasabi niyang dapat kong puntahan.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 5th floor.

Habang nasa elevator inayos ko ang sarili ko since may salamin naman doon.

Naalala kong wala nga pala akong dalang resume.

But what the heck.

Kapag nakita nila ang resume ko, makikilala nila ako.

Buti na lang nung naglayas ako Gabriella Morante na ang gamit kong pangalan. Apelido 'yun ni nanay eh.

The elevator opened at may ilang mga empleyado ang pumasok. Hindi nila ako pinansin hanggang sa sumara ulit ang pinto.

" Maraming empleyado na naman ang pinatalsik ni Sir, ano?"sabi ng isang babae dun sa kasama niyang lalaki.

" Sinabi mo pa eh araw-araw naman laging may fina-fire ang big boss."sabi naman nung lalaki.

" Naku! kinakabahan tuloy ako, pano kapag nagkamali ako, baka i-fire ako agad ni Sir."

" Kung hindi nga lang talaga mataas ang sweldo dito matagal na akong umalis."

Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na ko sa 5th floor.

" excuse me."
Dumaan ako sa gitna nung dalawang empleyado at lumabas na.

Nakita ko agad na may ilang tao ang nakaupo sa mga silya at nakapila.

Umupo ako dun sa pinakadulo, making sure na hindi ako makakakuha ng atensyon mula sa iba.

Napansin kong karamihan sa mga nakapila ay mga middle aged man and woman, ako lang ata pinakabata.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon