Chapter 16

320 15 0
                                    

Chapter 16

Nagising ako sa tampal sa pisngi ko at sa boses na tumatawag sa pangalan ko. It was a man's voice. Pamilyar na baritonong boses pero weird. He's calling my name.

" Gabriella! Wake up! Damn it!"

When I opened my eyes, I saw how close his face is. Mukha iyon ni Mr. Claud!

Nataranta ako kaya bumangon ako agad. Ang masaklap, bigla tuloy nauntog ang ulo ko sa mukha niya.

" Aw!"napahawak ako sa ulo ko saka napatingin kay Mr. Claud matapos nitong magmura ng malutong.
Sapo nito ang ilong niya at mukhang nagtitimpi ng galit.

Shit. Lagot.

" Mr. Claud-"
Hihingi sana ako ng tawad pero mabilis siyang tumayo at naglakad papunta sa isang upuan na may tuwalya.
When he faced me, his eyes were glaring. Gusto ko biglang mag-disappear sa tindi ng tingin niya.

" Sa susunod na balak mong maligo sa gabi, magdala ka ng salbabida. It will help if you don't know how to swim."sabi niya saka tinapon sa'kin 'yung tuwalya.

Does this mean..?

Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya.
He is soaked. Mukhang hindi pa ito nakakapagpalit ng pambahay nung dumating. Suot niya pa ang business suit niya, without the Armani coat. And boy, I suddenly felt sinful 'nung sumilip ang namumutok na muscles niya sa katawan dahil basa ang white polo niya.

" I-ikaw ang- b-bakit?"
Nanginginig pa ang katawan ko sa nararamdamang lamig pero 'yung pisngi ko sasabog na sa init.

" I could have let you drown but I don't want a dead body floating in my pool."sabi niya.

Hindi ko alam pero napangiti ako sa isip ko dahil sa sinabi niya.

Kinuha ko ang binato niyang tuwalya at inabot sa kanya kahit na medyo nangangatog pa ang tuhod ko.

Ang totoo nyan, mas kailangan niya talagang magtakip ng tuwalya eh para mabawasan ang pagkakasala ng mga mata ko.

" Ikaw na gumamit nito, Mr. Claud. Tsaka alam ko namang ayaw mo lang talaga akong mamatay kaya mo ako iniligtas."

Nagsalubong naman lalo ang kilay niya habang tinitingnan ang tuwalya.

" What did you say?"
His arms crossed on his chest.

Ayan. Nagagalit nanaman siya. Bakit kasi ayaw pang sabihin na kailangan niya pa ako kaya iniligtas niya ako?

Mukhang matigas talaga..

Ang puso ni Mr. Claud, kasing tigas ng..

Abs niya at muscles.

Ok. Eyes up, Gabriella!

" Wala po, Mr. Claud. Salamat pala at sorry dyan sa ilong mo. Sana hindi nabali 'yung buto dyan."

Gumalaw ang panga niya. Halatang may gusto pa itong sabihin sa'kin kasi hindi pa rin inaalis ang masamang tingin nito pero bigla na lang itong tumalikod at naglakad paalis.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon