Chapter 30

175 8 7
                                    

Chapter 30

Kusa akong napamulat at tila nagising 'nung may pumitik sa noo ko. Nakita ko ang malapit na mukha ni Mr. Claud. Nakataas ang isang kilay nito sa'kin.

Wala bang nangyaring halikan? Was that my imagination again?!

Bumaba ang mata ko sa katawan niya, he is now wearing wearing his shirt. May bakas pa rin ng dugo sa puti nitong tela.

" Magician ka ba? Ang bilis mong nakapagbihis ah." mangha kong sabi.

 
 

" Hindi, nakatulog ka ata."sabi niya. The corner of his lips rose with his sarcasm.

" Tell me, nakakaantok ba ang halik ko?"

Napakurap ako. Isang beses. Dalawang beses. Tatlong beses.

Hanggang sa rumehistro sa'kin ang sinabi niya. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko.

Ramdam kong uminit ang buong katawan ko.

 
 

Kung ganun hindi ko iyon imahinasyon?!

Agad akong napatayo. " Manyak!"

Kinapa ko ang mga labi ko saka mangiyak-ngiyak na tinuro siya.

" Tapos na ang pagpapanggap ko bilang girlfriend mo kaya bakit mo 'yun ginawa?! Wala ka talagang utang ng loob pagkatapos kitang tulungan, ito ang igagante mo sa'kin?!"

Madrama siyang umirat sa'kin.

" Hoy! 'Wag mo kong mairat-iratan dyan ha! Hindi ka ba man lang hihingi ng tawad sakin?"

I've been reserving my first kiss to the man I will marry someday pero ng dahil sa kanya, nasira iyon!

 
 

" Why are you making a big deal about it?"

 
 

" Dahil.."

Hindi ko pwedeng sabihin na first kiss ko 'yun. Baka gamitin niya iyon laban sa'kin.
 

" Dahil hindi naman kita nobyo-"

" Then I'll take the responsibility." he said cutting me off.

Natigilan ako.

Take responsibility? Anong ibig sabihin niya 'dun?
Don't tell me..

Teka. Imposibleng ang ibig niyang sabihin ay magiging boyfriend ko siya for real. Sa mga pelikula lang nangyayari 'yun. Pero bakit ang puso ko hindi na mapalagay? Hindi ako pwedeng ma-excite!
 

" Anong-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko 'nung tumunog ang cellphone niya na agad na naman niyang sinagot.

Kainis! Istorbo naman.

Biglang sumeryoso ang mukha niya habang may kausap doon.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon