Chapter 12

347 22 1
                                    

Chapter 12
***

" Palagi niyo ba iyong ginagawa?"

Hindi ako mapakali kapag naiisip kong naglabas ng isang milyon si Mr. Claud para lang bumili ng babae.

Umaabot ba talaga sa ganung halaga ang bidding? Sobrang laki talaga 'nun. I wonder where that money goes. Sana ay sa charity.

" What?"masungit na tanong nito habang nagmamaneho.

Ah hehehe. Kasalanan ko nga pala kung bakit siya napilitang mag-bid ng 1 million. He said I'm his responsibility dahil nasa custody na daw niya ako. Ampon lang ang peg ko eh.

Ilang ulit na rin naman akong nagpaliwanag sa kanya kung bakit napunta ako doon. Sinabi ko lahat na kagagawan iyon ng demonya kong ex-pinsan. Pinagalitan niya naman ako dahil sa pagiging tanga. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya doon dahil totoo naman.

" Palagi bang iwinawaldas ng mga mayayaman ang mga pera nila sa ganoon? Kung tutuusin, maraming pwedeng puntahan ang pera nila bukod sa pagbili ng babae. Hindi niyo ba naisip 'yun?"

Napagtanto ko kasing matagal na sigurong ginagawa iyon ni Mr. Claud base sa naalala kong pag-uusap nila noong lalaking businessman din.

" At saan ko naman iwawaldas ang pera ko?"

Kuminang ang mata ko sa tanong niya saka siya hinarap.
" Marami! Pwede kang mag-donate sa bantay-bata, sa Gabriella, at mga charity cases! Share your blessings ika nga!"

" Psh. The one million I spent on you goes to bantay-bata, and other charity cases you are talking about. Hindi ako nagwawaldas ng pera sa wala."

Natutop ko agad ang bibig ko.

Mabait naman pala si Mr. Claud. Nagdodonate sa charity.
" Pero bakit kailangan pang bumili ng babae? Kung hindi ako 'yun Mr. Claud, kasama mo kaya ngayon 'yung babae?"

Bakit ang lakas-lakas ng loob kong magtanong nito sa kanya?
Saan 'to nanggagaling?

Teka..ilang glass nga ang nainom ko kanina sa party?

Nilingon niya ako at kumunot ang noo niya mukhang hindi nagustuhan ang tanong ko.
" I'm not gonna answer your question because it's not your business anymore."bumalik ulit ang tingin niya sa daan.
Napatingin rin siya saglit sa side mirror.

" Binibili niyo 'yung babae para maka-date niyo di ba? Paano 'yung mga babaeng hindi ginustong ibenta? Pinipilit niyo pa rin ba sa gusto niyo?"

Kasi naman wala talagang hustisya iyong nangyari kay Jamaica at baka sa iba din. Aware naman ako na higit pa sa usap ang ibig sabihin ng pag-uwi sa mga babaeng nabili. Paano kung pilitin sila sa mga bagay na ayaw nila?
Sana ay hindi masamang lalaki ang nakabili kay Jamaica.

Nilingon ko si Mr. Claud at naghihintay ng sagot pero mukhang biglang sumama ang mukha nito. Panaka-naka itong bumabaling sa side mirror ng kotse.
Naramdaman ko rin biglang bumilis ang takbo ng kotse.

" M-Mr. Claud.. n-nagmamadali ba tayo?"
Napakapit na ako sa seatbelt ko ng mahigpit.

" Ms. Arevalo, you like talking right? Will you tell me about you and Mr. Angeles?"sabi nito na ikinagulat ko at ikinalito ko rin.

" I'm just curious how you liked that douche."sabi pa niya at muntik na akong napatili nung biglang kumabig ang kotse pakaliwa.

Mas lalo pa ring bumibilis ang takbo ng kotse.

What the hell?

Nagmamadali ata talaga siya.

Napakapit ulit ako sa seatbelt ko saka siya nilingon. Nilingon niya rin ako saglit bago ulit bumaling sa kalsada ng highway.

" H-hindi ako makakapagkwento kapag ganito ang takbo ng kotse Mr. Claud.."sabi ko at halos mapapikit nung kumabig naman bigla siya pakanan.
" Ay baklang bundat!" tili ko.

Pakiramdam ko nahilo ako bigla.

O jusko!

" Hindi ko pwedeng bagalan ang takbo ng kotse, Ms. Arevalo. Kung hindi ka magkukwento, manahimik ka na lang dyan."
Binalingan ko siya na nakaawang ang labi ko.

He glared at me kaya natikom ko iyon.

" A-ano kasi..awkward na i-kwento ko ang love story ko sa boss ko. P-pero dahil mapilit ka, s-sige."

Lumingon na naman si Mr. Claud sa side mirror niya at nagsalubong ang kilay.

Ano ba kasing tinitingnan niya?

" Well?"untag niya kaya napabalik ako sa dapat kong iku-kwento.

" N-nakilala ko si Kevin noong nag-aaral ako ng college..."

Noong magsimula na akong magkwento, hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumigil. Feeling ko may nakinig sa'kin for the first time. Wala kasi akong naging kaibigan na mapagsasabihan ng lahat ng pamimintas ko kay Kevin.

Ngayong ko na-realize na hindi ko pala talaga pinansin noon ang mga mali sa pagsasama naming dalawa. I thought love is enough. I think it was love because the feeling I felt for him was new. And I thought he did too. Pero mali ako, isa iyong malaking kasinungalingan. Isa siyang peke.

Kapag iniisip ko ang mga pinagsamahan namin hindi ko mapigilang mainis ng sobra at magalit. Naiimagine kong pagkatapos niya akong lambingin ay tatawanan niya ako dahil madali niya akong napapaniwala sa mga malabulaklak niyang mga salita.

Masakit ang ginawa niya.
Masakit ang maloko at mapaglaruan.
Hindi ko alam kung paano niya nasikmura iyon.

Napasinghot na ako habang tumutulo ang luha ko. " H-hindi naman siya gwapo! Hindi ko na dapat siya iniiyakan eh.."
Nagpunas ako ng luha gamit ang palad ko pero maya-maya ay tumulo nanaman ang luha ko.

Napabaling ako kay Mr. Claud nung tumigil ang kotse sa tabi.
Hindi ako nito binalingan saka may kinuha sa ilalim ng dashboard.

" Keep cursing at him, Ms. Arevalo."sabi nito saka binuksan ang music at nilakasan ang volume.

Lumabas siya agad bitbit ang isang itim na bagay na hindi ko malaman kung ano kasi hindi ko nakita ng malapitan.
Sinara niya ang pinto ng malakas at iniwan ako kasama ang malamyos na boses na kumakanta sa radyo.

Saka ko napagtantong love song pala iyon.

Maya-maya, napahikbi ako ulit at mas lumakas ang iyak ko. Iyong tipong may tunog.

Naalala ko nanaman ang panloloko ni Kevin sa'kin at ang imahe ng pagtanggap niya ng pera mula kay Lolo.

**
A/N: Salamat kay Mariel na classmate ko. Nasulat ko tong chap na to kasi ganito yung nangyari nung tinamaan siya sa 3 shots ng Empi.hahaha. Epic eh. Nag-iiyak na parang ewan.

So anyways..lesson learned..kapag may inuman, magdala ng tissue para sa mga kaibigan mong emotional kapag tinatamaan. Bubuhos yan talaga. Hahaha.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon