Chapter 23

380 14 3
                                    

Chapter 23

" Sir, ayos lang po talaga ako."
Nakaupo kami sa sofa ng lounging room. Dito niya ako dinala ng iwan namin si Ms. Guzman. Siguro ay kalahating minuto na siguro kaming nandito. Nakumbinsi ko na rin naman siya na okay na ako kahit medyo namumula ang dulo ng ilong ko.  Pero mukhang wala pa siyang balak tumayo.

Napatitig ako sa mukha niya na malayo ang tingin. Mabilis din akong bumaling sa iba 'nung mapansin niya iyon. Nagkunyari akong napupuwing.
" Ay ano ba 'yan? Ang daming alikabok."

" This place is clean, Ms. Arevalo. Imposibleng mapuwing ka ng alikabok."

Binalingan ko ng tingin si Mr. Claud. Binaba ko ang kamay ko at pinutol na ang acting.
" Uh..may tanong ako, Sir. Pwede?"

" Hindi."

" Bakit galit na galit ka kay lolo? Nararamdaman kong hindi lang ito tungkol sa negosyo. Kung normal lang kayong magkatunggali sa negosyo, hindi mo naman siguro maiisipang sirain siya sa kahit anong paraan."

" Sinabi kong hindi ka pwedeng magtanong, nagpatuloy ka pa rin."

Ngumisi ako. " Dapat pala hindi na din ako nagtanong kung pwedeng magtanong. Ano nga ba ang dahilan kung bakit mainit ang dugo niyo ni lolo sa isa't isa?"

" I thought you don't have to do anything with Ignacius?"

" Hindi naman siya ang inaalala ko. Ikaw, Sir."

One second. Two seconds. Three seconds.
Hindi siya umimik. Naghihintay ako ng reaksyon sa kanya pero wala.

" A-ang kompanya din! Kung balak sirain ni lolo ang kompanya at ikaw, damay kaming mga empleyado, di ba?"

" You don't have to worry about me and the company. Walang magagawa si Ignacius para pabagsakin ako."

Confident naman..

" Pwedeng magtanong ulit, Sir?"

" Hindi."

I ignored his reply again.
" Alam kong hindi mo nagustuhan ang ginawa kong pang-aabala kahapon sa ginagawa ng mga bisita mo sa basement. Siguro para maiwasan ang mga ganung eksena sa susunod, maghahanap na lang ako ng apartment. Baka po this week may mahanap na ako."

" Did they scare you?"

Nagtama ang mga mata namin. Nanuyo ang lalamunan ko.

" H-hindi naman."
Naramdaman kong ligtas ako 'nung dumating ka. I mentally said.
" Pakiramdam ko nakakaabala na ako sa iyo, Sir. Ayokong magpanggap na ayos lang sa'kin ang mga eksenang ganun. Baka sa susunod ay mas malala pa dun ang masaksihan ko. Spare my eyes from the act of violence, Sir."
Hindi na nga nabura sa isip ko ang unang pagkikita namin sa eskinita. Ang katawan na nakahandusay sa semento. Ang putok ng baril. At ang pagtutok ng baril sa'kin.

"'Wag kang mag-alala, Sir. Wala talaga akong pagsasabihan. It's your personal life. Ikaw ang may 'say' sa mga gusto mong gawin eh kaya wala kang dapat ipag-alala na ipagkakalat ko ang gawain mo."

Tumaas ang kilay niya pagkatapos kong magsalita.
" Kung gusto mong umalis sa mansion, malaya ka Ms. Arevalo. Andami mo pang sinasabi."

I frowned with his foul mood. Napahalukipkip pa siya.
Walang utang na loob. Grabe.
" Ah. Baka nagugutom ka na, Sir. "pag-iiba ko ng topic dahil mukhang badtrip na siya. Time out na muna ako sa mga tanong.
Naramdaman ko na rin kasi ang pagkalam ng sikmura ko.
" Nagugutom na rin kasi ako."pabulong kong sabi.

" Tawagan mo sa telepono ang cook at ipadala na lang dito ang mga iniluto para sa meeting. Dito na tayo kumain."sabi niya.

My head snapped to look at him. 'Tayo?!'
" P-pero, Sir..may kasama na po akong kumain ngayon."

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon