Chapter 21

354 15 6
                                    

Chapter 21

Walang isang oras ang nakalipas 'nung huminto ang kotse sa botique and salon ni Mrs. Jones. Hindi ko alam na seryoso pala talaga si Mr. Claud sa sinabi niyang make-over 'nung ibilin niya ako sa babae.
Sandali silang nag-usap bago sinabi ni Mr. Claud na maghihintay siya sa labas. Malaki ang ngiti ni Mrs. Jones sa'kin 'nung dalhin niya ako sa loob. Ang bakla na si Pia ang sumalubong sa'kin gaya ng dati.
Nagulat pa ito 'nung makita ako. Nangingiwi sa itsura ko.
" Ay 'day! Anyare? Para kang patay."

Napahawak naman ako sa buhok kong magulo na ngayon.

" Sabi ni Mr. Zobial, ayusan mo daw. Kung kailangang gupitan ang buhok. Gupitan mo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mrs. Jones.

" H-hindi ako magpapagupit."

" Nako! Masisiyahan akong ayusan siya ulit Maam. Lika ka dito 'Day!" masiglang hinila ni Pia ang kamay ko at pinaupo ako sa harap ng salamin.
Nakalabas na si Mrs. Jones at naiwan kami.
" H-Hindi pwede..'wag mong gupitan ang buhok ko."angal ko pa 'nung tanggalin niya ang tali ko. Bumuhaghag ang mahaba kung buhok na umabot hanggang beywang ko.

" Try mo naman umiba ng hairstyle noh! Mukhang bagay sayo 'yung pixie cut."sabi nito saka kinuha ang mga gamit niya. Pinagmamasdan ko siya sa may salamin.
Nanlaki ang mata ko.
" 'Wag 'yun! Kung maari hindi ganoon ka ikli. Ayaw nga ipagupit ni Nanay ang buhok ko. Mas maganda daw kapag mahaba."

Nilingon ako ng bakla. " Hindi na uso 'yun 'Day! Mas maganda kapag sabay sa uso. Tsaka 'wag kang Maria Makiling dyan. Marimar lang ang peg?"

" Baka pwedeng i-curl mo na lang?"

" Marimar nga! Bongga! 'Wag kang mag-alala dyan. Ako na ang bahala. Gugupitan ko ng konti ang buhok mo. Keri? Relax ka lang dyan. Gagamitan ko ng powers ko 'yan."

Napabuntong-hinga ako. Hindi na lang ako umangal. " Si Mr. Claud lang naman ang may gusto nito."

Nakalapit na ulit sa'kin si Pia. Malapad ang ngiti. " Wala pang dinala si Papa Claud dito na girl para paayusan ah! Taray mo. Kainggit ka. Nobyo mo?"

Napailing ako at hindi ko alam kung bakit natawa ako. " Boss ko siya. PA niya ako."

" Kung ganun dapat talagang magandang-maganda ka lagi, kung lagi mo siyang kasama. Mukhang alam ko na ang dapat na look mo. Believe in me, 'Day."

Napatango na lang ako saka pumikit. " Ikaw na ang bahala."

" Ay 'wag mo akong tulugan 'Day! Kaloka ka."

" Hindi noh! Pumipikit lang. Simulan mo na!"parang bata na sa sabi ko.
" Siguraduhin mong gaganda ako dyan."

" Ay taray! Inspired?"

Hindi ko na siya sinagot.
Siguro nga kailangan ko rin ng make-over pa-minsan-minsan. Sa sobrang stressful ng buhay ko nakalimutan ko ng asikasuhin ang sarili ko. Nakalimutan kong babae pa rin ako.

Pia did his magic to my hair for the next minutes. At ang bakla hindi ako binigo 'nung matapos niyang ayusin ang buhok ko. Siguro ay higat isang oras din ang tinagal, kasama ang pag-straight at pag-gupit. Nilagyan niya pa ako ng light na make-up na sobrang bumagay sa itsura ko.
" Ang ganda mo 'Day! Welcome to the new beautiful look! Hala, sige..humayo ka at rumampa!"
He spread his arms behind me after he's done.

Nakatitig naman ako sa salamin. I smiled widely at my reflection.
" Ikaw na talaga, bakla!"sabi ko habang hinahaplos ang straight kong buhok na pantay ang dulo. Umaabot na lang ito ngayon sa bandang ilalim ng dibdib ko. Ginawa niyang nasa gitna ng ulo ang hati ng buhok ko. Maliit ang mukha ko kaya compliment iyon sa style.

" Siguro dapat next pa-kulay ka na rin ng buhok."sabi niya.

" Mas gusto kong itim ang buhok ko, bakla." I grinned. " Salamat sa powers mo pala."

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon