Chapter 25

128 7 5
                                    

Chapter 25

Sa hindi ko malamang dahilan, kinabahan ako ng mga oras na 'yun. Pakiramdam ko kakatayin ako. When I sat face to face with my boss' mother, alam ko na agad na kaharap ko ang female version ni Mr. Claud. Sopistikada, istrikta at mala-reyna kung gumalaw. Kapag gumalaw ang mata niya at nahuli iyon ng tingin niya, matakot ka na. Kapag gumalaw ang kilay niya, mas kabahan ka.

'Nung tumaas ang kilay niya nang dumapo ang tingin niya sa'kin, iyon ang naramdaman ko.

" Tell me, Miss. What is your relationship with Claud?"

Masyado ata akong nakaabang sa galaw ang ina ni Mr. Claud kaya hindi ko namalayan na ako na kausap na pala niya ako.
Napalunok ako. Pinagpawisan. Hindi ko alam kung bakit. Parang kaharap ko ulit ang dati kong guro nung highschool. 'Yung parang may ginawa kang mali pero wala naman.

" B-boss-"

" Her name's Gab, my fiancee, ma." Pinutol ni Mr. Claud ang sasabihin ko. Mabilis akong napalingon sa kanya at nanlaki ang mata.

Anong sinabi niya?! Fiancee niya ako?! Kelan naging kami? Ni hindi niya ako naging girlfriend, ni hindi nga kami naging friends! Tapos fiancee na agad?! Bakit hindi ako na-inform? Natulog lang ako kagabi! May nangyari bang proposal na hindi ko matandaan?
Wait. Dahil kaya sa nangyari kanina? Hinawakan ko lang naman siya. Kami na agad?! Siguro gusto niyang panindigan ko ang ginawa ko. Juskolord. Naguguluhan ako sa mga nangyayari!

" When do you plan on telling me?" Claud's mother said with a stern voice.

" I never thought you'd be interested with who I date."

Naitikom ko ang bibig ko dahil gustong gusto nitong bumuka at magsalita.

Seryoso ba talaga siya?!

" I am not interested. You can date whoever you want. Sana lang ay hindi mo nakakalimutan ang pinagkasunduan natin. Malapit na ang petsa ng kaarawan 'niya', hanggang ngayon wala pa ring nangyayari sa paghahanap mo. Inuuna mo pa ang pakikipaglandian sa mga babae keysa ang tuparin ang pangako mo."

Kaninong kaarawan kaya?
At sinong hinahanap?

" Hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sa kanya."

" Siguraduhin mo, Claud. Kung hindi dahil sayo-"

" Enough, ma!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Mr. Claud. Natigilan naman ang ina niya.

" I know what I did and I'm doing everything I can to correct it."

" Mabuti at alam mo. Don't ever reject my calls again. If it weren't for 'her', hindi rin naman kita kukulitin."

" Are you here to remind me of that?"

" What do you think?"sabi ng ina niya.

" You don't have to come."

" At ano? Hayaan kang makipaglandian na lang? What happened to you? You've never been interested with women before?"

Mr. Claud smirked. " When did you even care about it, ma?"

Hindi na nakasagot ang ina niya bagkus ay napa-iwas ito ng tingin.

" Anyway, that's the only reason I came."
Tumayo na ang ina ni Mr. Claud.

Binalingan ako nito sandali.

" Congratulations, ija. But honestly, I don't like you. " sabi nito bago ito naglakad paalis.

Nahulog ata ang panga ko sa sahig. Hindi ako makapagsalita. Ni hindi makagalaw.
I snapped. Unti-unting gumalaw.
Siguro kailangan ko munang bumalik sa pagkakatulog. Mukhang nananaginip pa ako eh. Tama. Babalik na ako sa pagtulog.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon