Chapter 32

131 10 3
                                    

Chapter 32

'Nung lumabas siya saka ko lang prinoseso ang nangyari sa'kin. I had an accident. I'm alive and I'm praying that the driver is also fine.

Nilibot ko ang tingin kwarto. Am I really in the hospital? I noticed that I am wearing a hospital gown kaya mas lalo akong nakumbinsi na nasa ospital ako. Napapikit ako ng mariin.
Hindi dapat ako nandito. I hate this place.

Unti-unti akong bumangon habang iniinda ang sakit sa ulo ko. It was painful but it's bearable.
Hinanap ko ang mga gamit ko, mabuti naman at nandito lang din. Hinanap ko agad ang cellphone ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito, paniguradong nag-antay sa'kin si Mom.

'Nung mahanap ko ang cellphone ko agad kong binuksan iyon at inaasahan kong may mga missed calls doon. Pero bakit nga ba ako umasa? It was even a miracle that my mother called once, sobra naman sigurong hilingin kung aalamin niya man lang kung okay lang ako.
Should I call her?

I pressed her number and called but the number is unattended. I started to worry. 'Nung tumawag siya sa'kin she was anxious. Is she okay?

Kailangan ko siyang puntahan. She must still be waiting for me.
I grabbed my stuff and head to the door. 'Nung makalabas sa kwarto ay natigilan ako sa bumungad sa'kin.

Mr. Claud's men are outside. Pero hindi nila ako agad napansin dahil abala silang nag-uusap. Wala si Mr. Claud. Saan na kaya siya nagpunta? Iniwan ba niya ako dito?
Imposible. He won't leave his men here, right?

" Palagay ko pakana ito ng kalaban ni boss at paniguradong alam nito ang kahinaan niya. Kaya ang babaeng 'yun ang pinuntirya nila."

" Hindi pa ba obvious? Una pa lang na makita ko 'yun sa mansion alam kong magiging balakid na iyon sa mga plano niya."

Nagpanting ang taenga ko 'nung marinig ang pinag-uusapan nila. Tatlong lalaki ang nag-uusap. Pamilyar ako sa kanila pero hindi ko maalala ang mga pangalan.

" Tingin mo nagkamalay na 'yun? Limang araw ng pabalik-balik si boss dito ah. Minsan nga dito na natutulog. Hindi na halos makaalis dito."

Limang araw ng pabalik-balik?

" Ano ka ba? Ganun talaga kapag umiibig."sabay tawa 'nung nagsalita.

Hah? Umiibig?

" Gago 'tol, manahimik ka. Baka banatan ka 'nun kapag narinig ka. In-denial pa kasi." tumawa din 'yung isa.

" Kaya nga. Akalain mo ba namang sumugod ng mag-isa 'yun pagkatapos ng aksidente. Iyon ang unang beses kong nakitang ganun 'yun. Laging galit 'yun pero mas nakakatakot pala kapag tahimik."

" Gago, nakita mo 'yung mata 'nun? Parang si kamatayan e."

" Halos maihi ako sa takot, pucha! Kala ko mag-aalsa ang emperyo."

Napakunot pa lalo ang noo ko sa pinag-uusapan nila.
Wala akong oras para makinig pa. Iyon na ang tyansa ko para makaalis ng hindi nila namamalayan habang abala pa sila.

Dahan-dahan akong humakbang palayo. Nilingon pa ko sila at nakitang abala pa rin sila sa pag-uusap kaya doon na ako tahimik na kumaripas ng takbo hanggang sa makaliko ako sa isang pasilyo.
Phew!

Ngayon, kailangan kong magpalit ng damit. Hindi ko kabisado ang ospital na 'to kaya hindi ko alam kung nasaan na ako.
Patuloy lang akong naglakad hanggang sa may nakasalubong akong nurse. Mabuti na lang ay na-assist niya ako. Napakiusapan ko pa siyang kunin ang mga damit ko kaya nakapagbihis ako.

Kaso may problema..

" Hindi ka pa po pwedeng i-discharge mam. Bilin po sa amin ng boyfriend mo na, hindi ka muna hahayaang lumabas ng ospital. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon