Chapter 1

1.1K 37 1
                                    

Chapter 1

**
Gabi na pero heto ako at nakikipagsapalaran sa walang katao-taong eskinita bitbit sa kanang kamay ang pinakamamahal kong si Tootsie at sa kaliwa ay ang kibigat-bigat na bagahe ko.

Uso kasi ang picture sa marmol kaya ang totoo niyan, may mga marmol akong dala sa bag ko.

Wala naman akong choice kasi ito ang lang ang larawan na meron ako kina mama. Nung nag-impake ako pinagkasya ko lahat ng damit ko tsaka itong mga marmol na picture sa bag ko.

Kaso kung naiwan ko naman ito, baka hindi ko na mabalikan. Kapag naiisip ko pa lang iiwan ko ito at babalikan sa apartment  ay nag-iinit ng ulo ko.
Ayoko ng bumalik dun!

I embraced my dog tightly when the cold night air blew. I think it's past 10 pero hindi ko alam kung bakit wala ng sasakyan.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad. Gutom na gutom na ako. Para na akong palaboy.

I’m homeless, hopeless, stressed, sleeveless, backless, manless at kung ano ano pang less.
Pero maayos na siguro ito kesa ang magtagal pa sa apartment na 'yun.

May nagflash na ilaw ng sasakyan at mabilis kong napagtantong taxi iyon.

" Taxi! Dito po!"halos pumwesto ako sa gitna ng kalye para huminto lang ito, pero mabilis ang takbo nito at pagewang-gewang. Nanlaki ang mata ko dahil mukhang sasagasaan pa ata ko kaya naghihysteria akong tumakbo sa gilid ng kalsada.

Hayop yun ah.

" Hoy! Anak ka ng kulugo! Mabangga ka sana!"sigaw ko nung makalagpas ito na gumegewang pa rin.

Mukhang lasing ang driver nun ah. Tsk.
Kung walang sasakyan, lasing naman ang driver. Ano bang problema ng mundo sa'kin?

Bagsak ang mga balikat kong nagpatuloy sa paglalakad.

Naalala ko nanaman ang hayop kong ex at ang hitad niyang other woman. Napilitan akong lumayas sa apartment na tinutuluyan ko dahil nahuli ko sila nag **** doon.
Sarap nilang ilubog sa kumunoy para mamatay sila, or better yet sa kumukulong tubig na lang.

Ayaw ko ng mag stay 'dun kasi baka maamoy ko ang langsa nila. At pinatapos ko pa talaga silang makaraos bago ko kinuha lahat ng gamit ko.

Ang bait ko di ba?

Napasalampak ako sa pavement at doon nagtatadyak.

Hindi ko na alam ang gagawin. Saan ako pupunta?
Wala akong pera at lalo ng wala akong kaibigan na matatawagan. Meron akong iilan na kilala pero imposible nila akong matulungan.

Biglang may sumaging ideya sa utak ko pero agad ko iyong binura.

Di pwedeng sa kanila Gabriella, itaga mo 'yan sa bato. Hindi ka manghihingi ng tulong 'dun.

Niyakap ko si Tootsie at umungol naman siya.

Eh?

Nasakal ko na pala. Nanggigil nanaman kasi ako 'pag naaalala ko ‘yung nangyari.

“ Tootsie, saan na tayo pupunta ngayon ha?” tanong ko sa munting tuta.
“ Alam mo dapat kasi nagtatrabaho ka rin para sa’ting dalawa eh.Tsk.” sabi ko pa.

Breaking the Rule: CLAUDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon