CHAPTER 1

28.3K 612 270
                                    

Chapter 1: Meeting the bad boy






ISA-ISA kong kinuha ang mga gamit at inilagay lahat ng iyon sa bag. Mabilisan kong pinagdadampot ang mga libro at pinagawang projects ng mga kaklase ko na nasa sala ay naglakad na palabas. Dali-dali kong sinara ang pinto ng inuupahan kong apartment at agad na tumungo sa gate.

“Aling Hena, alis na po ako. Kapag may naghanap po sa ‘kin ay sabihin mong wala ako rito at busy sa mga gawain ha?” paalala ko kay Aling Hena habang siya ay nagwawalis sa bakuran nila.

“Oo na, Ysa, ilang ulit mo na bang sinabi sa akin iyan? Tandang-tanda ko naman ang mga ipinaalala mong bata ka. Naku, oo! Basta ba’y mag-ingat kang bata ka, ha? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo kapag na pa'no ka,” alalang ani Aling Hena.

Nginitian ko siya at kumaway bilang pamamaalam. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa eskwelahan dala-dala ang mabibigat na librong ito.

Naghanap talaga ako mauupahang apartment na malapit lang sa pinapasukan kong trabaho at laking tuwa ko naman na malapit din ito sa eskwelahan.

Si Aling Hena ang may ari ng paupahang tinitirhan ko ngayon. Kung tutuusin ay malaki siya, pero ako pa lang ‘yong nangungupahan dito. Ewan ko nga rin ba bakit ayaw ng iba. Siguro dahil sa bali-balitang may namatay noon dito at nag-iwan iyon ng mga haka-haka. Wala naman sa akin ‘yon, basta ba'y makatipid ako. Okay na ‘yon.

Ilang lakad lang ay narating ko na ang Greonio High (G High kung tawagin ng iba). Isang eskwelahang pribado at tanging matatalino  lang ang nakakapasok. Pero kahit hindi ka matalino basta ba’y mayroon kang perang ipanggagastos, agad kang makakapasok d'yan. ‘Yan ang kalamangan ng isang may angat sa buhay. Kahit hindi para sa iyo basta ba'y may limpak-limpak kang pera, makukuha mo ng ganoon ka dali. Iyan ay base rin sa mga nakikita ko, paniniwala ko na rin iyan ng mamulat ako sa mundong ito.

Hindi pa man ako nangangalahati sa lakad ay bumagsak na ako sa semento. Alam kong si Cyrene  iyon at ang hukbo niyang ubod ng ikli ang mga palda.

“Aw, kawawa naman nadapa. Lampa kasi,” mapanuyang sabi ni Cyrene at tumawa. Tiningnan ako nito na animo’y nandidiri sa ‘kin.

“Pangit na nga, lampayatot pa!” segunda ng alagad niya.

Hindi ko sila pinansin at pinulot ang mga libro at projects ng mga kaklase kong nagkalat sa semento. Tahimik kong pinatong-patong ‘yon pero nagkalat muli nang sinipa iyon ni Cyrene. Napakuyom ako dahil sa ginawa niya.

“Huwag na huwag mong hindi pansinin ang magandang katulad ko, Ysa! Matuto kang rumespeto sa nakakaganda sa ‘yo! Hindi mo ba natutunan ‘yon noong grade-6 ka sa GMRC niyo?” sigaw niya at hinila ang buhok ko.

“A-aray, Cyrene!” palahaw ko.

Siya pa ‘yong may lakas ng loob banggitin ang asignaturang iyan. Kaya siguro ganiyan ang ugali marahil ay bagsak doon pa lang.

Napadaing ako sa sakit dulot ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. Parang matutuklap na ang anit ko sa ginagawa niyang ‘yon. Pinigilan kong huwag maiyak pero mata ko na yata ang nagtatraidor sa ‘kin.

Unti-unting magpatakan ang mga  butil ng luha ko sa pisngi. Malaya itong dumdaloy na animo’y isang ilog kung umagos.

Ganito na lang ba palagi?

Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Ni hindi ko nga matandaan na may atraso ako sa kanila. Ano bang  kasalanan ko sa mundo at napakahirap ng buhay kong ito? Parusa na yata ito.

“A-aray! Cyrene tama na!” ulit ko. Pilit kong inaabot ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko. Ramdam ko na rin ang pagbaon ng mga maliliit na bato sa tuhod. Hapdi at sakit ang siyang nangingibabaw. Hindi ko mawari kung saang hapdi ba iyon, sa tuhod, anit ba o sa kalooban ko?

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon