Chapter 11: Rilakkuma
KANINA pa ako nakatitig sa kamay ni Con dahil hawak-hawak nito ang palapulsuhan ko. Patuloy lang siya kakalakad sa mall at parang may hinahabol. Halos magkandatalisod na ako kahit flat shoes naman ang gamit ko. Hindi ko na masabayan ang bawat hakbang niya pero pilit ko itong hinahabol.
"C-con d-dahan-dahan naman. . ." mahina kong reklamo sa kaniya. Walang sabing huminto siya kaya nabunggo ako sa likod niya. "S-s-sorry."
Medyo nahahapo na ako dahil kanina pa talaga kami lakad nang lakad sa mall. Idagdag mo pa 'yong malakabayo nitong paghakbang.
Hinarap niya ako pero bago iyon ay napakunot ang noo niya sa kung saan. Lilingon na sana ako para malaman kung ano 'yong dahilan ng pagsalpok ng mga kilay niya pero hindi ko na nagawa. Basta niya na lang ulit akong hinila.
Kita niyo 'to? Parang baliw lang. Hindi niya ba nakikitang pagod na ako kakahila niya sa 'kin?
Muli kaming napahinto sa isang botique. Hinarap niya ako at parang may hinihintay.
"Ano?" Sabay taas ng dalawa kong kilay.
"Hindi ka papasok?" Tukoy niya sa botique na 'yon.
Napalingon tuloy ako ro'n. May mga babaeng pumipili ng mga damit at may mga kasama, siguro ay boyfriend nila iyon. Syempre pambabae 'yon ,ano pa nga ba ang aasahan kung anong laman no'n? Puno iyon ng mga damit pambabae at mga accesories.
Napabalik ulit ako nang tingin kay Con na hinihintay ang magiging desisyon ko. Sinimangutan ko siya gayong hindi naman iyan ang hilig ko. Oo magaganda ang mga damit sa loob pero hindi iyan ang mga gusto ko, bukod do'n ay hindi biro ang mga presyo no'n. Kaya anong aasahan mo sa 'kin?
"What? Don't you like it? Ako naman ang magbabayad ng mga bibilhin mo ro'n, go on," pagpipilit niya pa.
"Con. . . hindi ako mahilig sa mga ganyan. Kahit libre mo pa, e, hindi talaga ako bibili d'yan. Gastos lang 'yan. Tara na nga!" Bigla ko siyang hinila at huli na no'ng mapagtanto ko kung ano 'yong ginawa ko. Nakalakad na kami ng ilang dipa mula sa botique na 'yon nang mapatigil ako at ilang na binitiwan ang kamay niya.
Napakagat labi ako at dahan-dahang napasilip sa gawi niya. Hala! Hala! Hala! Nakakahiya ka naman Ysa! Tae ka naman ng kalabaw!
Pansin kong nagpipigil si Con nang ngiti at napapatingin sa kamay niyang hinawakan ko. Namula ako sa kahihiyan kaya tumalikod na lang ako para hindi niya makita. Doon ko rin napagtanto na nasa harap kami ng timezone.
Napatitig ako sa mga masasayang mukha ng mga kabataan na naglalaro sa loob. Parang walang problema at malayang nagagawa ang gustong gawin sa ganyang edad. Hindi kagaya ko, kailangan kong kumayod ng doble para may ipangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Napadako ang tingin ko sa magkakapamilyang naglalaro. Tuwang-tuwa ang nanay at tatay nito sa anak nilang babae habang nagso-shoot ng maliliit na bola. Napapalakpak pa ang bata noong nagawa niyang ipasok ang bola sa ring. Kinarga na siya ng tatay niya at hinalikan sa pisngi, 'yon din ang ginawa ng nanay nito. Malungkot akong napangiti sa tanawing iyon.
Ganito rin kaya tayo kasaya kung sakaling buhay pa kayo nay, tay?
"Lets go," ani Con at hinatak ako nang wala man lang pasabi sa loob ng timezone.
Napahinto kami sa harap ng ring at may timer iyon sa ibabaw no'n. Kumuha ni Con ng bola at tsaka inabot sa 'kin. Napako ang tingin ko sa bola dahil hindi ko alam ang gagawin do'n.

BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...