Warning!
Violence ahead.Chapter 35: Shot
ILANG ULIT akong napapahid sa luhang malayang umaagos sa aking pisngi dala ang bigat ng loob sa bawat takbo ng mga paa ko. Kabog-kabog ang dibdib, ay hindi ko rin maiwasang mag-isip ng hindi maganda.
Sana okay ka lang diyan, Ivan. Hindi p'wedeng—
Napailing ako ng ilang ulit. Hindi! Walang mangyayaring masama sa kaniya. Alam kong makakaya iyon ni Ivan. Alam ko! Malaki ang tiwala ko sa kaniya—sa lakas niya. Hindi siya madaling matatalo.
Napatili ako nang makarinig ng ilang ulit na putok na nanggagaling sa lugar kung saan ko iniwan si Ivan. Napatakip pa ako sa tenga nang makarinig ulit ng putok ng baril.
Napahagulgol ako hindi dahil sa takot kun'di sa pag-aalala kay Ivan. Napahakbang ako papabalik ngunit naalala ko ang sinabi nito na nagpatigil sa akin.
"Just run! Umalis ka na rito, Ysa! Go with Con! Find him!"
Nagpaulit-ulit ang mga salita niyang iyon sa aking isipan kaya napaharap ulit ako para ituloy ang paghahanap kay Con.
Halos hindi ko magawang tumakbo dulot nang panlalambot at panghihina na rin gayong hindi sapat ang kapirasong tali ng damit na nilagay ni Ivan sa aking tagiliran para matigil ang pagdurugo. Idagdag pa itong sugat sa aking kamay kagagawan ng boteng hindi ko nakita kanina sa daraanan.
Con, na saan na kayo?
Parang hindi ko na kakayanin pa. Napahinto ako nang manlabo ang mga mata ko. Halos mabuwal ako sa pagkakatayo at napahawak na lamang sa pinakamalapit na pader para lamang hindi tuluyang bumagsak sa sahig.
Napahawak ako sa tagiliran at napatingin sa dugong kumapit sa kamay ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.
Kahit ilang saglit pa, kayanin mo. Ysa. Lumaban ka! Hindi mo pa nga nasasabi kay Con na mahal mo siya! Hindi puwedeng may masamang mangyari sa iyo!
Bubuksan ko na sana ang isang itim na pinto dahil may naririnig akong mga boses doon ngunit bigla na lamang may pumulupot na braso sa aking leeg na naging dahilan para hindi ako makahinga ng maayos.
Kumalaboh ng husto ang dibdib ko at tila nagrarambulan ang lamang loob ko kasabau nang panginginig ng aking mga tuhod.
Hindi ko matingnan ang mukha nito dahil sa bawat pagpupumiglas ko, ay siya namang paghigpit nang pagkasasakal ng braso nito.
"Huwag ka nang manlaban kung ayaw mong. . ." sinadya nitong bitinin ang sasabihin sa huli at idiniin sa sentido ko ang malamig na dulo ng kaniyang baril.
Pinapakiramdam ang bawat galaw ng kaniyang kamay at napapadasal na lamang na sana'y huwag siyang magkamaling kalabitin ang gatilyo.
Kagat-labing napapikit na lamang ako kasabay ng unti-unting pagbukas ng pinto at tila dinadaga ang dibdib sa bawat segundong lumilipas.
Umalingawngaw sa buong paligid ang seradura ng pintuan na halatang-halata sa pangangalawang dulot nang malakas na tunog na nanggagaling rito.
Tila bumagal ang oras pati na rin ang pagtibok ng puso ko. Naging blangko ang isip ko nang masilayan ng paunti-unti ang loob ng kuwartong iyon.
Mga daing at mga nagpapalitang putukan ang sumakop sa aking pandinig.
Mas lalong dumagundong ang dibdib ko ng tuluyang tumambad ang kabuuan ng kuwartong iyon. Sira-sira ang bubong at nagkalat ang mga piraso nito sa sahig. Ang mga pader ay bitak-bitak at may mga bakas ng bala na nagmula sa iba't ibang baril. May mga tilamsik ng dugo ang bawat sulok nito at halos magkulay pula ang pader.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...