Chapter 22: Gang Fight
“WHAT now? Stop sticking your nose with my business, just mind yours.”
Hayun na naman ang paborito nitong linya. Ayaw na ayaw niya talaga pinapakialaman siya. Ang kabang naramdaman ko ay napalitan ng inis.
Sa inis ko ay nasampal ko siya. Nagulat din ako sa ginawa kong iyon pero hindi ko na lang iyon inintindi pa. Buti nga iyon sa kanya! Para naman magising siya!
“Nadiyan pa sila sa buhay mo, Con! Pero kung makaasta ka sa harap nila ay parang pinagtatabuyan mo pa! Pinagdadasal ko na sana buhay pa rin ang magulang ko! Na sana ay nandito sila sa tabi ko, na sana marami pa silang oras para makapiling ko pero ikaw? Sinasayang mo lang ang oras na binibigay nila sa ‘yo!” Marahas kong pinunasan ang mga luha na dumaloy sa pisngi ko.
Wala akong natanggap na tugon sa sinabi ko. Nakabaling pa rin sa kaliwa ang mukha nito dulot nang sampal ko. Hindi ito gumawa ng kahit isang galaw. Nang walang matanggap na tugon ay napagpasyahan ko na lang na umalis sa harap niya.
Mabibigat na hakbang ang ginawa ko pasan ang sama ng loob sa kanya. Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko na mapigilan pang umiyak. Minabuti kong huwag tumungo sa loob ng mansyon. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mapunta ako sa likod ng bahay.
Kagaya rin ng sa unanahan ay may mga puno ng naririto ngunit ang kaibahan lang ay walang masyadong ilaw sa mga halaman. Ang nagsisilbing ilaw rito ay ang isang magandang anghel na may hawak na lampara.
Napaupo ako sa isang duyan na gawa sa kahoy ang upuan. Napatingla ako sa kalangitan ngunit mangilan-ngilan lang ang mga bituing nakikita dulot ng mga ulap na nakatakip sa kanila.
‘Nay, ‘tay, masaya na ba kayo riyan? Ako? Oo, pero mas masaya sana kung nandirito kayong dalawa.
Bakit niyo ba ako iniwan? Bakit sa dinami-rami na dapuan ng sakit ay kayo pa? Sunod-sunod pa kayong nawala sa piling ko. Ang daya naman, e.
Mapait akong napangiti nang may shooting star akong nakita. Hindi naman totoong matutupad ang hiling mo kapag nakakita ka ng ganyan.
Dinuyan ko ang sarili ay nagmuni-muni. Tahimik rito kaya kumakalama ang puso ko. Ilang oras akong naglagi roon ngunit agad akong napatayo nang may maalala.
“Sa darating na sabado, may gaganaping gang fight sa underground. Con and his squad will be there. Lahat gusto silang makalaban para makuha ang pinanghahawakan nilang titulo.”
“S-sabado? Anong oras?”
Sa sadado ‘yong birthday ni Tita Canthy! Hindi p’wede hindi ako dumalo roon.
“12 midnight.”
Napanganga ako sa narinig.
“A-ano? Bakit ganyan? Dis-oras ng gabi? Seryoso?”
Nagkibit-balikat lang ito. “What do you expect? Sa umaga? Tanghali?” Tumawa si Ivan na parang iyon na ang pinakanatatawang birong bumenta sa kanya.
Mabilis kong hinanap ang papel kung saan sinulat ni Ivan ang address na gaganaping gang fight. Napahinga ako ng maluwag nang makita iyon sa likod ng cellphone ko.
Akala ko noong una ay napakaimposibleng nang pumunta sa sinasabi niya dahil dadalo pa ako sa kaarawan ni Tita Canthy pero hindi ko naman inaasahang dito din pala ang punta nina Con.
Ibig sabihin, pagkatapos ng party ay dideretso na sila ro’n? Mabilis akong naglakad para hanapin sila. Alas-onse na ng gabi kaya inaasahan kong aalis na ito ngayon sa kahit anong minuto.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...