Nasa taas yong song na pinapatugtog ni Con.
Sana all may abs diba? May abs ba kayo? Meron ako, isa lang. Hahahaha. Sori na agad.
Enjoy reading! Nawa'y icrushback ka.
-
Chapter 4: Abs
SABADO ngayon at walang klase na dapat sana ay pagpapahinga ng sistema ko dulot ng nakaka-stress na mga exam ngayong linggo, pero, marami akong dapat na gawin. Maglalaba pa ako ng mga damit, maglilinis ng buong apartment at gagawin ko pa ang mga projects ng mga kaklase ko. Marami-marami iyon kaya kailangan kong madaliin ang mga gawaing bahay.
Pinihit ko ang gripo at sinimulang maghugas ng plato. Tunog nang lagaslas ng tubig at kalansing ng mga kubyertos ang tangi kong naririnig. Ngunit ang mga tunog na iyon ay halos hindi ko na maulinigan ng biglang may malakas na tugtog ang nangibabaw sa apartment.
Hindi ko maintindihan~
Parang wala namang pupuntahan~
Ayoko na ng ganito~
Nahihirapan na ang puso ko~Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama.
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga.
Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga."Con ano ba! Hinaan mo naman 'yan! Hindi ka nag-iisa sa apartnent na 'to!" inis kong sigaw pero walang sumagot. Hindi niya yata naririnig ang boses ko mula rito sa kusina. Paano niya nga naman maririnig diba? Ang lakas-lakas ng music na nagmumula sa kwarto niya! "Con! Ano ba!" Napatakip ako sa tenga kahit na basa pa ang mga kamay. Ang sakit sa ulo ng music! Tae naman ng kalabaw oh!
Hindi ko maintindihan~
Tila tayo'y paulit-ulit lang~
Ayoko na ng ganito~
Nasisira na ang ulo ko~Oo! Nasisira na ang ulo ko sa nakakabinging tunog na 'to! Inis akong pumaroon sa kwarto niya at kumatok ng ilang beses pero walang bumubukas ng pinto. Kahit yata magkandabali-bali 'tong mga daliri ko ay walang magkukusang magbubukas dito.
Sa inis ko dahil walang sumasagot ay pinihit ko na lang ang door knob ng kwarto niya at walang ano-ano'y pumasok ng walang pahintulot. Kahit nasa loob na ng kwarto niya ay hindi pa rin ako nalalayo sa pinto at nakahawak pa rin sa door knob.
Mas lalong lumakas ang tugtog na pati yata kasulok-sulukan ng tenga ko ay abot no'n. Pati na yata tutule ko ay naiingayan dito at kusang magsisilabasan dahil sa kanya! Kadiri naman ng nasa pinag-iisip ko!
"Con! Hinaan mo 'yang—"
Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama.
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga!
Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga.Hindi ko natapos ang sasabihin dahil napatakip ang isa kong kamay sa bibig. Napamulagat akong napabitaw sa door knob at napaatras. Napalunok ako ng ilang beses at inaalisa ang nakita. Tila hindi pa ako nito napansin dahil abala siya sa pagpapatuyo ng buhok niya gamit ang tuwalya.
Sa wakas ay napatigil siya nang mapansin ako at ganoon na rin ang panlalaki ng mata niya nang makita akong malapit sa pintuan ng kwarto niya.
Sa itsura niyang iyan ay alam kong hindi niya inaasahang maparirito ako. Sino ba naman kasi ang baliw na papasok ng basta-basta sa kwarto nang may kwarto aber?
"W-what the f*ck? Why are you here?!" sigaw niya at dali-daling tinakip sa pang-ibabang parte ng katawan ang puting tuwalya na pinupunas niya sa mukha kanina lang. "Who the hell told you to enter in my room?!" dagdag niya pa.
Naglakad ito patungo sa pinanggagalingan ng musika at pinatay iyon. Seryoso itong nagtungo sa direksyon ko at matapos na matakip ang tuwalya ro'n.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...