CHAPTER 7

10.2K 385 85
                                    

Chapter 7: Run



HINDI ako makapaniwalang walang absent ngayong linggo si Con. As in! Present siya sa bawat subject namin. Nahiya ang kalabaw sa kasipagan niyang um-attend ng klase. Pati na yata ang mga ibang kaklase ko ay nakapansin pati na rin ang ibang mga teachers. Ang kaso, tulog naman buong oras. 'Yon lang ang hindi nagbago.

Sobrang bilis lang ng mga araw at linggo na naman ngayon. Ginagawa ko na namang ang mga gawaing bahay pero hindi na sobra-sobra. Mabilis na akong nakakapaglinis dahil sa vacuum cleaner. Hindi na ako nahihirapang maglaba dahil sa washing machine na binili ni Con. Para nga bilang pasasalamat, e, ako na ang maglalaba ng mga damit niya pero ayaw niya.

Nagiging masungit siya sa nagdaang mga araw. Hindi nga kami nag-uusap kapag nasa classroom. Doon lang talaga sa garden dahil walang katao-tao. Naiinis ako dahil nag-iiba ang trato niya sa 'kin kapag nakauwi na kaming dalawa, 'yong Con na nakausap ko sa garden noon. Nagiging makulit siya, nang-aasar sa 'kin at palagi akong binubwisit dito.

Naglakad ako papuntang kitchen at binuksan ang refrigirator namin. Hala! Walang laman. Naglakad ako pabalik sa kwarto ko kung may pera pa ba ako.

5k? Nakagat ko ang daliri at inistema ang gastusin ko ngayong week. Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sunod-sunod iyon at parang naiinip na.

"Teka lang naman Con!"

"Tsk. Magbihis ka d'yan. Punta tayong mall."

Binuksan ko ang pinto at nabitin sa ere ang kamay nitong kumakatok. "Saan tayo pupunta?"

"Mall nga,"

"Anong gagawin natin do'n?"

"Tsk. Wala na tayong kakainin ngayong linggo. Of course to buy food."

"E, bakit sa mall? Ang mahal ng mga presyo ng bilihin doon! Sa palengke tayo mamimili,"

"What? What's palengke? Where is that place?"

Anak mayaman nga talaga 'to. Palengke lang hindi alam? Ay sa bagay, itlog nga noon hindi kilala, ito pa kaya? Typical rich kid ika nga.

"Basta! Mamaya na. Magbibihis lang ako." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na sinirado ang pinto.

Hinanap ko ang denim short na nabili ko sa ukay-ukay at agad na sinuot iyon. Pinaresan ko iyon ng pink oversized t-shirt na may maliit na panda sa kanang bahagi ng dibdib. Naglagay ako ng konting pulbo at tapos na. Hindi ko naman kailangang magliptsick dahil mamula-mula naman ang labi ko. Magti-tsinelas na lang din ako para mas kumportable sa paa. Mamamalengke lang naman kami 'no. Tinali ko rin paitaas ang buhok ko dahil siguradong mainit doon. Magdadala na lang ako ng payong dahil sigiradong magrereklamo ang lalaking iyon sa sobrang init at halo-halong amoy na nasa palengke.

"Con tara na!" Aya ko sa kanya. Nakaupo ito sa sofang binili niya at ang gwapo niya na tingnan do'n. Parang prinsipeng nakaupo sa mamahaling sofa, hindi tulad noon e mukha siyang bakulaw sa lumang sofa na nadito sa living room.

Natawa ako sa isiping iyon. Ikaw Ysa nagiging maloko ka na sa pagdaan ng mga araw ha! Palagi mo na lang pinagti-trip-an iyang si Con sa isip mo. Mabuti na lang talaga at hindi nakakabasa ng isip si Con, kung hindi baka patulan ako nito.

Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya nagpasyang tumayo. Naka-white polo ito at itim na short. Simple lang pero alam mo talagang yayamanin ang taong ito. Napadako ang tingin ko sa paa niya. Nahiya naman ako sa paa ko. Sobrang puti ng kanya! Grabe! Parang mas babae yata tingnan 'yon kung wala lang mga buhok ano.

Naglakad na kami papalabas ng apartment, napansin kong nilabas niya ang susi ng kotse niya kaya agad akong nagsalita.

"Bakit mo dadalhin 'yan?" Mukhang tangang tanong ko.

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon