Chapter 17: Added Rule
NAKASIMANGOT akong napaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Calum at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nakakaasar.
“Yo, Ysa! Ngumiti ka naman, baka lumayo ’yong mga chikababes ko dahil sa ’yo. Bad luck ’yan, you know?” Napairap ako sa sinabi niya. “Woah. Ang sungit mo naman yata ngayon? Mayro’n ka ’no?"
Mabilis akong napalingon sa kanya na ikinalaki ng mata ko. Namula ako dahil hindi ako sanay sa ganitong biro, kung tutuusin ay lalaki pa rin siya. “A-ano?! Wala ah!”
“Why are you being like that then?” Napabalik na ang tingin niya sa daan kaya ganoon na lang din ang ginawa ko.
“Wala,” sagot ko pa.
“Really? Baka dahil kay—”
“Hindi iyon dahil kay Con!” putol ko sa sinasabi niya. Nakagat ko bigla ang pang-ibabang labi nang lumingon si Calum sa akin at mapang-asar na ngumiti. Napatigil ako sandali sa inakto.
Ysa naman! Nakakahiya ka!
“Bakit? May sinabi ba akong si Con?” Nagpigil siya nang tawa. “Iniisip mo ’no? Naka-glue na ba sa isip mo ha?” asar pa niya habang tinataas-baba ang dalawang kilay. “Hindi na mawala? May pag-asa ka naman, e.”
Muntik na akong mabilaukan sa huli niyang sinabi. Tila biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig iyon at halos nakalimutan ko nang huminga habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya.
Ilang ulit akong napakurap at pilit na inaalisa ang sinabi niya. M-may p-pag-asa? A-a-ako?
May namumuong konklusiyon sa isipan ko na pilit kong tinatanggihan. Hindi iyon! Huwag kang assumera, Ysa. Ano ka ba! Nagiging ganyan ka na sa mga nakaraang araw. Hindi nakakaganda ang pagiging assumera. Hay.
Nang makapa ang boses ay utal akong nakapagsalita. “H-ha?” Napapikit ako nang ’yon lang ang lumabas sa bibig ko.
Para kang tanga, Ysa. Nakakahiya ka talaga!
Humagalpak sa tawa si Calum na mas lalo ikinablangko ng utak ko. “I’m just kidding, Ysa.”
Inabot ko iyon tissue na nasa unahan at ibinato sa kanya. Hindi ito nakaiwas kaya nasapol ang ulo nito. “Bwisit ka!”
“Woah. Woah. Nagiging mean girl ka na Ysa kapag kasama ako ah?” Tumawa na naman siya.
Napasimangot ulit ako. Malapit na kami sa G high nang tumigil ito sa pagtawa at panay ang tingin nito sa rear view mirror. Nag-iba ang aura nito at nawala na nang tuluyan ang pagiging maloko. Ganoon na lang ang pagkakunot ng noo ko sa kanya.
“Cal, may problema ba?” alalang tanong ko. Akma ko na sanang lilingunin ang sa likod para malaman ang dahilan nang pagsulyap niya pero napatigil iyon.
“Don’t look back, Ysa. I’m warning you,” halos manindig ang balahibo ko sa pagkakasabi niyang iyon.
Parang bigla siyang naging si Con sa isang iglap. Nagdilim ang mukha nito at binilisan ang pagtakbo ng kotse. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi at diretsong tumingin sa unahan. Hindi ko na natuloy ang pagsilip at planong alamin kung ano ba ang ikinabalisa ni Calum.
Ilang beses akong napalunok dahil sa pagkagulat. Kalaban ba iyon? Bakit ganoon na lang siya maka-react? Hindi naman ako tanga para hindi malaman iyon. Akala ba nila, e, mapapaniwala nila ako na walang mali?
Binuhay no’n ang natutulog na kuryosidad sa loob ko. Sa nagdaang araw ay ayokong pasukin o alamin ang mundong mayroon sila dahil alam kong ikagagalit nila iyon. Pero, bawat araw ay may tumutulak sa akin na dapat kong alamin iyon. Na dapat ay palihim na pakinggan ang mga usapan nila tuwing kumpleto sila sa apartment namin ni Con. Napaglaruan ko ang mga daliri habang nag-iisip. Hindi na nadagdagan ang sinabing iyon ni Calum sa akin kaya minabuti ko na lang na manahimik.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...