Chapter 38: The great confession
ILANG MINUTO na akong nakatingin sa nakahigang katawan ni Con. Hindi ko kayang buksan ang puting telang nakatakip sa kaniya at baka hindi ko na kayanin pa.
Hinahagod ni Areon ang likod ko at handang alalayan kung ano man angangyari sa akin.
Si Shun ay nakatalikod sa amin at nakaharap sa pader kaya hindi ko alam kung umiiyak ba siya o ano. Si Tim naman nakaupo sa sofa at nakatukod ang dalawang kamay sa sentido nito.
Inalis ko ang tingin sa kanila, alam kong mas nahihirapan sila sa sitwaayong ito gayong matagal na silang panahon na nagkakilala.
Napayakap ako sa katawan ni Con at humagulgol, hindi ko na mapigilang ilabas ang nararamdaman.
"Ang daya mo! Ang d-daya-daya mo, Con! Bakit? Bakit mo naman ako iniwan, ha? Alam mo, nakaiinis ka!" anas ko ngunit mas lalong lumuha, umaasang sasagot siya sa akin gayong alam ko namang hindi na, kaihit kailan.
"Kompleto d-dapat tayong lalabas sa lugar na 'yon! Kompleto, Con! Hindi n-naman yata patas itong ginagawa mo sa amin, sa a-akin. . ."
Hinawakan ako sa balikat ni Areon ngunit hindi ko siyang pinansin.
"Ysa, tama na 'yan. . . hind-"
Hindi natapos ni Areon ang sasabihin ng magsalita si Shun.
"Ars! T-Tara muna sa labas! Hayaan muna natin si Ysa!" pakinig kong sabi niya.
"Oo nga, Ars. Doon na muna tayo sa kuwarto ni Calum."
Halos makalimutan ko na si Calum dahil sa nangyari kay Con. Napuruhan din iyon ngunit hindi ko man lang kanina kinamusta at natanong sa tatlo kung na saan siya.
Sorry, Cal.
Napabuntonghininga si Areon bago ako tinapik sa balikat saka nagpahila kay Shun at Tim ng tuluyan.
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto pati ang mga nagmamadaling mga yapak nilang tatlo. Nabalot muli ng katahinikan ang apat na sulok na kuwartong ito at tanging mahihinang pag-iyak ko na lamang ang naririnig.
Gusto kong buksan ang puting telang nakatabon kay Con ngunit hindi ko talaga kaya.
Napailing ako ng ilang ulit.
"Con. . . gumising ka r-riyan. Nakaiinis ka talaga!" Mahina kong punalo ang katawan nito. "Hindi ko pa nga nasasabing mahal kita tapos iniwan mo na ako? Oo! Mahal kita, Con! Anong silbi ng pagmamahal ko kung wala ka naman sa piling ko ngayon? Bakit ba ang malas-malas ko? Lahat na lang nga taong mahal ko iniiwan ako!"
"Mas mahal kita kaya 'wag ka nang umiyak diyan," pumailanlang ang malalim na boses na iyon at nalalaking mata akong napatingin sa pinto. Napatigil din ako sa pag-iyak.
Napakunot ang mata ng wala namang tao roon. Nakarinig ako ng mahinang tawa, tawa ng isang pamilyar na tao. Taong laman ng puso ko.
Dumagundong nang husto ang dibdib ko at halos hindi na makagawang huminga. Dahan-dahan kong pinihit ang ulo sa direksyon ng nagsalita at ilang ulit akong napakurap nang magtagpo ang mata naming dalawa.
Tila naistatwa ako sa kinalalagyan at halos hindi maproseso ang pangyayari. Paanong. . .
Wala sa sariling inabot ko ang mukha ni Con at pinakiramdaman ang init niyon. Mas lalo siyang natawa sa naging reaksiyon ko.
Bigla na lang bumukas ang pinto kaya napunta ang atensyon ko roon. Inuluwa no'n sina Shun, Tim, Areon at ang naka-wheelchair na si Calum. Puno ng bandage ang katawan nito at kitang-kita ang mga namuong pasa sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...