CHAPTER 33

6.9K 252 73
                                    

Chapter 33: Fooled


HINDI NA ako makapag-isip ng maayos sa kabang pilit kong tinatago sa taong may hawak sa akin. Bawat galaw ko ay lalo lamang dumidiin ang pagkatatakip ng kamay nito sa aking bibig.

Nakarinig ako ng mga yapak sa pinanggalingan ko at halos hindi na ako makahinga ng makitang mga kalaban ito.

Tila namanhid ang buo kong katawan ng makita sa malapitan ang mga mukha nila. Nakatatakot!

Nag-uusap ang mga ito at parang hindi kami napansin at nilampasan na lang ang madilim na parteng aming kinalalagyan.

Hindi ko alam kung ipapasalamat ko ang ginawa ng taong nasa likuran ko dahil kung hindi ay baka nakabulagta na ako ngayon sa sahig. Tuluyan ko nang narinig ang yapak nila na papalayo sa kinalalagyan naming dalawa.

Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang pagluwag ng kamay ng taong may hawak sa akin kaya bigla akong nabuhayan ng pag-asa.

Mabilis kong binalya ang lalaki kaya napaatras ito at tumama ang likod sa pader. Agad kong inapakan ang paa nito at siniko sa tagiliran para tuluyan siyang mapabitaw sa akin.

"Argh!" daing nito.

Abot ang kabang napalayo ako. Pagkaharap na pagkaharap ko sa kaniya ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko at napasapo sa bibig.

"I-Ivan. . ."

"Hi?" patanong na aniya hawak- hawak ang tagilirang siniko ko. "Sh*t, ang sakit no'n, ah?" Kapagkuwa'y napailing ito. "You can now defend yourself, huh? Nice."

Napaatras ako ng ilang ulit sa hindi malamang dahilan. May pasa ito sa gilid ng kaniyang labi at halos gulong-gulo na ang buhok nito ngunit hindi naman iyon bumawas sa angkin nitong kagwapuhan.

Napadako ang tingin ko sa kaliwang binti nitong dumudugo at halos manginig ako sa nakatarak na kutsilyo roon.

Tila napansin iyon si Ivan kaya nagsalita ito. "Ah, that. . ." Walang anu-ano'y hinugot nito ang kutsilyo sa pagkabaon sa binti at walnng pasubaling initsa sa kung saan. "May kinalaban lang ako. Some rats that I don't like."

Alam kong kalaban siya ngunit hindi ko mapigilang makaramdam  ng pag-aalala sa kaniya. Mukhang nahihirapan siyang maglakad dahil sa sugat na ginawa ng kutsilyong iyon sa kaniyang binti.

"A-ayos ka lang ba, Ivan?" Humakbang ako papalapit sa kaniya at tiningnan ang binti nitong patuloy pa rin sa pagdudugo.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na puminit ng maliit na piraso ng damit at itinali iyon sa kaniyang binti. Ramdam ko ang pagkatititig nito sa akin ngunit inabala ko na lamang ang sarili sa pagtaling ginagawa.

"Why?" pakinig kong tanong nito. "Why are doing this, Ysa? I am your friend's enemy. . . shall I say your boyfriend's enemy?.

May diin pa talaga ang salitang boyfriend? Nang-aasar ba siya o ano? Napatigil ako sa ginagawa at sinalubong ang nagtatanong nitong mga mata.

"Hindi ba puwedeng nagmamalasakit lang ako dahil baka maubusan ka ng dugo?" Tinaasan ko siya ng kilay nang matawa ito sa sinagot ko. "At saka hindi ko pa boyfriend si Con!"

Humagalpak siya sa tawa ngunit kaming dalawa lamang ang nakaririnig. "Hindi pa? So may pag-asa pa pala ako?"

Napanganga ako sa walang prenong pagsasalita nito. Ilang ulit akong napakurap sa narinig. Hindi ko matantya kung nagsasabi ba ito ng totoo o pinaglalaruan ako nito.

"Be my girl, Ysa. I can do all you want. I will do everything just for you. Just say yes and we will run away from here. I can take all the bullets and knife just for you.  Be my girlfriend, Ysa. I promised to protect you all my life." Marahan nitong kinuha ang kamay ko at sinserong tinitigan ako.

Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon