Chapter 24: Period
LUMIPAS ang mga araw at heto ako, buhay pa rin naman. Walang umaaligid na mga hindi kilalang tao at walang magtatangka dahil na rin sa banta noon ni Con sa lahat ng gang na nasa loob ng arenang iyon.
Nakabibilib lang dahil ganoon pala ang kapangyarihang dala kapag kayo ang nangunguna sa gang world. Halos walang mag-aabalang kalabanin ka dahil alam nilang matatalo lang sila.
Kaya siguro pinag-aagawan ang posisyong iyon dahil hindi lang kapangyarihan kung 'di respeto rin sa ibang grupo ang makukuha. Pati na rin ang mga koneksiyon sa iba't ibang gang na nasa loob ng bansa.
Ngunit, sabi nga, mas malaking kapangyarihang tinataglay nila ay may kaakibat na mabigat na resposibilidad. Bawat segundo ay may magtatangka sa buhay nila na taong hayok sa kapangyarihan.
Hindi lahat ng taong nasa gang world ay masaya para sa panalong tinatamasa ng grupo nina Con.
Dahil na rin na ginawa ni Con doon sa arena ay napagpasyahang nilang turuan ako kung paanong protektahan ang sarili kung sakali mang wala sila sa tabi o sa mga delikadong sitwasyon ng buhay ko.
Tuwing walang klase o 'di kaya kapag nakauwi na sa apartment ay magtuturo silang lima sa akin kung paano protektahan ang sarili.
Nakukuha ko naman ang mga tinuturo nila kaso nga lang iba talaga ang lakas ng babae kaysa sa lakas nila. Lalong-lalo na kapag si Con na 'yong nagtuturo sa akin.
Napakaistrikto niya. Talo pa yata ang mga guro sa G high sa ginagawa niya. Palaging sermon ang abot ko kapag hindi ko nakukuha ang ibig nitong sabihin.
Matapos ang ginawa kong pagsunod sa kanila ay nakakuha ako ng iba't ibang sermon galing kina Areon, Shun, Tim, Calum at Con. Ang sermon sa akin ng tatlo ay parang pag-papaalala lang at pagpapaintindi sa akin na dapat ay hindi ko iyon ginawa. Subalit, sa dalawa, kina Areon at Con, halos mapuno ang tenga ko sa kaliwa't kanan nilang mura. Halos lahat yata ng pangungusap ay may dalang d*mn it, f*ck them at kung ano-ano pa.
Hindi na rin naungkat pa ang usaping iyon. Hindi man lang nagtanong si Con kung saan ko na nakuha ang impormasyon para malaman ang lokasyon ng pinaggaganapan ng away na iyon. Ano pa ba ang aasahan sa lalaking iyon? Para yatang may radar ang ulo no'n at kahit hindi ko sabihin ay malalaman at malalaman niya pa rin.
Hindi ko rin nakita si Ivan matapos na sabihin iyon sa akin. Hindi ko siya matiyempuhan sa G high.
"Ysa, put some force on your punch," utos ni Con sa akin.
Lumaylay ang balikat ko nang marinig iyon sa kanya. Ano't ganito na lang siya? Walang kapaguran ang lalaking ito. Kanina niya pa ako tinuturuan. At lahat ng mga tinuturo niya ay hindi ko makuha, kahit nga sa simpleng pagsapak nga lang sa mukha niya ay hindi ko magawa.
Oo! Pinapasapak niya ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote nito at bakit ako nito pinapasapak sa pagmumukha niya pero ayokong gawin iyon. Baliw na yata siya!
Nagpapasalamat akong bumalik na ang pagiging maloko niya sa akin kagaya noong una naming pag-uusap sa G high. Pero parang pinagsisihan kong bumalik siya rati.
Paano ba naman, konting mali ko ay ang dami na niyang idinadada sa akin. Kesyo umayos raw ako, kesyo dapat gawin ko ng maayos at ganiyan dapat. Bawat galaw ko, may komento agad siya. Parang gugustohin ko na lang na huwag siyang magsalita 'gaya ng dati.
Bukod doon ay hindi rin talaga ako nakakapag-pokus. Nahihirapan akong huwag intindihan ang nararamdaman. Lalong-lalo na tuwing nagtatama ang mga katawan at kamay namin kapag nag-i-sparring.
"Ysa! Focus! What are you dawdling?! If I were a killer, you must be dead for an instance," inis na aniya.
Napayuko ako ngunit agad niyang inabot ang baba ko para mapaangat ang ulo. Napalunok na ako ng ilang ulit sa ginawa niyang iyon. Nagdala ang paghawak niya ng ilang boltaheng kuryente na naging dahilan para umiskandalo ang sistema ko.
BINABASA MO ANG
Living with the Bad Boy (Bad Boy Series #1)
Teen Fiction(COMPLETED) BAD BOY SERIES #1 Ysabelle Robles, a 16-year-old girl, a top student pursuing her dreams with bravery and patience. Her life is boring and not exciting as what other students have. Living miserably on her own, without a parents by her si...