Tagaytay
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.
Sabi ni Freyr kanina ay gagala lang kami sa mall, dahil gusto daw niyang kumain.
Pero yung gala namin naka abot kami ng tagaytay.
Naglalakad kami papunta sa isang restaurant na gusto niyang kainan, sabi niya ay masarap daw ang mga pagkain don kaya pumayag na agad ako.
Syempre libre eh.
At bukod pa don, gusto ko talagang makalabas dahil sa sobrang busy ko nung mga nakaraang araw ay hindi na ako nakaka gala tuwing friday.
dati kasi kahit maraming quiz ay nakakagala pa ako, pero dahil graduating na kami tambak talaga.
Hindi naman ako sobrang studious, pero nag me-maintain ako ng grade para naman hindi masabi ng parents ko na sayang ang pinapaaral nila sa akin.
Kung tutuusin may sarili naman kaming company kaya kahit hindi aki mag aral, maganda pa ring trabaho ang babagsakan ko.
The perks of being born in a rich family.
But kahit pa gano'n gusto ko talagang makakuha ng matataas na grade, yung medyo above average. Nangako ako kay Kuya na na mag aaral na akong mabuti, sinabi din naman niya na okay lang naman mag gala basta hindi napapabayaan ang pag aaral.
Abala si Freyr sa pagkalikot sa cellphone niya, habang nakasunod lang akong naglalakad sa kanya.
"I-I booked us a reservation." He said.
Tumango lang ako sa kanya, habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mukha.
Ang haba ng buhok niya, sa sobrang haba natatakpan yung mata niya. Tapos yung salamin niya basag yung gilid at may tape na.
Napabuntong hininga ako. He's so stubborn. Ilang ulit ko na siyang inayang bumili ng bago pero ayaw niya.
Ang kulit kulit.
Parang napansin niya ang pag buntong hininga ko dahil lumingon siya sa akin.
"W-What's the matter?" He softly asked.
"Wala." I snorted.
Nakita kong napalunok siya nang mapansin na parang wala ako sa mood.
Hindi ko alam, pwede ko naman siyang ibili ng bago para hindi na siya mahirapan pero ayaw niya.
Nagtitiis siya kahit pa alam ko naman nahihirapan na siyang gamitin iyon.
One thing that I noticed about him is that, hangga't pwede pa ay ipipilit niya talaga..
Nagtitiis siya palagi.
Kagaya nung pambubully sa kanya. I'm sure tiniis niya yun ng ilang taon. Hindi siya gumaganti, hindi niya pinaglalaban yung sarili niya kahit pa alam naman niyang mali na yung ginagawa sa kanya.
Kung tutuusin ay kayang kaya naman niyang gantihan ang mga nambubully sa kanya eh. Pero mas pinili niyang tiisin dahil kaya pa niya yung nga sinasabi nila.
I've been there. I just change when I realized things.
And I hate seeing other people in that situation again.
"T-Tell me, what is it? Y-You don't like the food? I-I can find another place." Natatarantang saad niya.
"It's not about that."
"Then w-what i-is it that's making you upset? T-Tell me.. I'll do something about it-t." He said almost pleading.
Bumuntong hininga ako. Kahit mag galit galitan talaga ako hindi ko siya matitiis.
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
Любовные романыKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...