Pageant
Nakayuko si Freyr habang naglalakad kami papasok ng school. Ewan ko ba pero halos lahat ng tao dito ay pinagtitinginan siya na para bang isa siyang bagong magandang tanawin.
Marahil ay naninibago sila sa bagong ayos nito ngayon. Pati naman ako ay nanibago kahit pa ako ang nagpumilit sa kanyang magpagupit. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malawak dahil doon.
This will be his stepping stone.
He needs confidence, and I will gladly help him to improve himself, at para ipakita sa mga taong nanglait sa kanya noon mali sila ng akala, na hindi na nila maapi si Freyr.
Hinawakan ko ang kanyang braso kaya napabaling sa akin ang kanyang atensyon.
Nag angat siya ng tingin, mababakas sa kanyang mata na medyo kinakabahan pa siya at siguro ay nahihiya dahil hindi siya sanay sa ganitong atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga nakapaligid sa kanya.
"Chin up, huwag mong intindihin ang mga tingin nila." Saad ko sa kanya.
Nagdadalawang isip man ay nag angat din siya ng tingin. Inilibot niya ang kanyang mata sa buong campus, mababakas dito ang pagka kaba, kaya naman hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.
"Wag kang kabahan. Andito naman ako." Nakangiting saad ko sa kanya.
Ang pangamba sa kanyang mukha ay unti unting nawala. It's like my words work on him like magic, na para bang lahat ng sabihin ko ay susundin niya. Na para bang lahat ng sabihin ko ay magpapakalma sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nakita ni Freyr sa akin, at kung bakit ako pa ang nagustuhan niya, kung bakit sa akin pa siya nakakahanap ng comfort.
Pero sa kabilang banda ay masarap din sa pakiramdam na may isang taong sayo nakakahanap ng comfort. It makes me feel appreciated, it makes me feel special.
It's like, finally someone appreciates my presence.
And I want him to feel appreciated too. That's why I'm trying my best to help him.
And I will try my hardest to show him that I appreciate him too.
Ang hawak ko sa kanyang braso ay unti unti niyang ibinaba sa kanyang kamay.
Para akong nakuryente sa kanyang ginawa.
Ngayon magkahawak na ang aming kamay. Mahigpit ang hawak niya dito at para bang sa oras na luwagan niya ang kanyang hawak ay mawawala ako sa kanyang tabi.
"I-I wanna hold your hand, it's making me calm." Saad niya.
Nagugulat man ay napatango na lang ako sa kanya.
His big hands is warm. I have to admit that it's giving me a comfort too.
Nakakapanibago ang init ng kanyang kamay sa kamay ko. My hands are always cold. And his hand is giving it comfort. Para bang ang init ng kanyang kamay ang hinahanap ng aking kamay.
It's like our hands were made for each other.
Napangisi ako nang makita ang kumpulan ng mga babaeng nanglalait sa kanya noon.
Para silang nakakita ng artista, kung makatingin kay Freyr. Nakita ko pa ang paglagay ng isa sa kanila sa kanyang buhok sa likod ng tainga, halatang nagpapacute pa ang gaga.
Ang iba naman sa kanila ay nagtutulakan sa likod.
Pinatunayan lang nila na mas importante para sa kanila ang physical appearance ng isang tao.
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
RomanceKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...