Moonlight
They say na kapag na-eenjoy ang mga araw, days become faster.
Dati ay hindi ako naniniwala sa ganoon, but I guess totoo nga.
Kakatapos lang ng first sem namin, at dahil end of sem 1 na, it means sembreak na.
Ang bilis lumipas ng mga araw, I didn't even realized that we just finished exams.
Hindi ko alam kung bakit parang ngayong sem ay hindi ako masiyadong napagod. Siguro ay dahil nag eenjoy din ako sa company ni Freyr.
He's been my study buddy since then, magaling siyang magturo at talagang maiintindihan mo kaagad.
Kung dati ay parang pinipilit kong bumangon ng umaga para makapag review, ngayon at para bang kusa na itong ginagawa ng katawan ko.
It's feels nice to wake up everyday and have something to look forward to.
At dahil sembreak na, nandito kami pareho sa condo ko. Dito na rin ang naging tambayan namin kapag walang pasok o di kaya puno ang mga library at cafe kapag mag rereview kami.
"Luto na itong sinigang, can you prepare the table please?" Saad ko habang nagsasandok ng sinigang na niluto ko.
Ganito lagi ang scenario namin pagkatapos mag review, I would cook lunch or dinner for us. Minsan nga din ay dito na siya natutulog dahil sa dami ng nirereview namin.
Hindi naman ako naiilang, dahil alam ko namang hindi gagawa si Freyr ng masama, sa ilang buwan naming magkasama ay mas nakilala ko siya.
He may look shy and timid but sometimes he can be funny too without even trying. Sometimes he would say innocent things and I would laugh at him because he's so adorable.
Agad naman niyang sinunod ang utos ko, hindi ko mapigilang igala ang tingin sa kanya. He's only wearing black shorts and white shirt but he looked great.
Maraming nagbago sa kanya, at isa sa pinaka halatang pagbabago sa kanya ay ang pananamit niya. He still wears his hoodies but he doesn't wear his big jeans anymore. Medyo nabawasan na din ang size ng damit na isinusuot niya, hindi na sobrang laki tulad ng dati. Nagbago ang style niya.
Hindi narin siya nagsusuot ng salamin sa school, kahit pa binigay ko na sa kanya ang salamin na inorder ko para sa amin, aniya ay nasanay na daw siyang mag contact lenses. Pero minsan naman ay nakikita kong sinusuot niya ang salamin na binigay ko, lalo na kapag inaabot kami ng umaga sa mga study session namin.
At hindi na din siya palaging nakayuko, mas naging confident na siya at nawala na din ang mga pangtutukso sa kanya, he also has friends now bukod sa akin.
Masaya ako dahil sa wakas ay nakahanap na siya ng kaibigan niya, kahit papaano hindi lang ako ang kasama niya.
We say our prayers before eating, tahimik lang kaming kumakain pero panay ang lagay niya ng ulam at kanin sa plato ko.
"Freyr please tama na yung kanin baka mamuno tiyan ko nito mamaya." Maktol ko sa kanya ng dagdagan niyang muli ang kanin ko na nangangalahati pa lang.
"Eat more, you need to be healthy." Mahinang saad niya.
"I know but ang dami na nito, hindi ko mauubos." I pouted while looking at my plate na puno na naman kahit pa hindi ko pa nauubos ang unang nilagay niya.
"Kakainin ko ang hindi mo mauubos." Malumanay na saad niya.
He's always like that, lagi niyang inaalala ang mga bagay para sa akin. Even sa pag inom ng mga vitamins kapag dito siya sa condo ko natutulog siya pa talaga ang maghahanda ng vitamins ko, lalo na yung sa dugo, I'm anemic kaya kailangan kong uminom every night ng para sa dugo, at kapag nandyan siya lagi na iyong nakahanda.
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
RomansaKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...