Kabanata 8

4.1K 114 32
                                    

Festival

I smiled as I saw Freyr waiting for me sa gate ng school, I waved at him cutely at nahihiya naman siyang kumaway pabalik.



Compare nung mga nakaraang araw mas maaliwalas ang mukha niya ngayon. Kung dati ay lagi siyang nakayuko kapag ngingitian ko, ngayon ay medyo nakakangiti na siya pabalik. It looks awkward tho pero masasanay din siya maging confident.


I heard gasps nang makita nilang kinakawayan ko si Freyr. Para bang isang malaking kasalanan ang pagkaway ko pabalik sa kanya.



"Is she out of her mind?"


"Maybe, baka nagayuma na talaga ng nerd na 'yan."



"Hmm, interesting."


"Baka naman pinaglalaruan niya lang? You know her type guys! Gusto niya yung mga lalaking may style hindi yung dugyutin!"


"Maybe, sino ba namang papatol sa dugyot na yan? Naliligo pa ba yan? Saka mukhang mahirap lang, bakit ba pinapasok pa yan sa univ natin?"


"Baka scholar, wala naman sa itsura niya yung makaka afford ng ganito kamahal na university."



"Tama, buti na lang talaga at may utak siya."



Gustong gusto ko talaga pag umpugin yung mga ulo nila, pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong ayaw ni Freyr ng gulo, pero takteng mga babae to.


Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa at nilagpasan, people like them is not worth my time.



Mukhang narinig ni Freyr ang mga sinasabi nila kanina dahil nakayuko na naman ito. Napabuntong hininga ako.


It really shows how words can ruin someone's confidence.


Kailangan ba talaga nilang magsalita ng ganoon sa kapwa nila? Kung hindi nila bet yung isang tao, kailangan pa bang iparinig nila yung mga panlalait nila?


Ang galing nilang mamuna ng iba, pero yung sariling mali nila hindi nila nakikita.



Magaling lang silang mangutya.


Inangkla ko ang aking balikat kay Freyr ay hinila siya palayo sa mga babaeng iyon.


"Sorry medyo late ako ngayon." Paumanhin ko sa kanya.


"O-Okay lang." Saad niya at inayos ang pagkakalagay ng salamin niya.



May basag na ang gilid noon pero sinusoot niya pa din, nilagyan niya ng tape ang hinges noon na naputol. Ilang araw ko na itong nakikitang suot niya matapos ang nangyari pero hindi pa rin niya napapalitan.



Sinabi ko sa kanyang ibibili ko siya pero ayaw niyang pumayag, ang dahilan niya nagagamit pa naman daw. Siya na lang daw ang bibili kapag hindi na talaga niya magamit.


"Library ulit tayo ah? Ang hirap ng math namin eh." Saad ko at tumawa ng konti.



Nakita ko ang bahagyang pag ngiti niya at tumango.


"I-I'll help you." Nahihiyang saad niya.




Grabe naman 'tong si Freyr, siya pa mahihiya na ako ang mangongopya sa kanya. Dapat nga ako ang mahiya eh.



Kaso wala ako non.



"Okay sabi mo yan ah!" Natutuwang saad ko.



Patuloy ako sa pagdaldal sa kanya habang papunta kami sa library. Nahihiyang ngumingiti lang siya sa akin. Minsan sasagot pero most of the time bunganga ko yung nangingibabaw.


Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon