Weak
The next day I woke up feeling better, gumaan na ang pakiramdam ko at nawala na rin ang sakit ng ulo, mabuti na lamang at nakainom kaagad ako ng gamot para hindi na lumala pa.
Nakakahiya naman na dito pa ako magkasakit sa kanila Freyr.
Naabutan ko si Freyr na nagluluto sa kusina nila, dahan dahan akong umupo sa kanilang dining table. Akala ko ay hindi na niya ako mapapansin pero nang makita niya ako ay agad niyang iniwan ang niluluto at lumapit sa akin.
Agad na dumapo ang kanyang kamay sa aking noo, nagtagal ang kamay niya doon habang matiim na naka titig sa akin.
Ipinatong ko ang aking palad sa kanyang kamay na nasa aking noo, dahil masiyado na itong nagtatagal doon.
Tila naman siya nakahinga ng maluwag nang maramdamang hindi na maiinit ang katawan ko.
Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa kanya, at hinawakan ito nang mahigpit.
"A-Are you feeling well?" He softly asked while caressing my hands, it's like he's feeling the warmth of it.
His long fingers and big palm feels rough and warm at the same time. I like the feeling of him holding my hand.
"Oo, maayos na ang pakiramdam ko," saad ko sabay iwas ng tingin sa kanya dahil hindi ko makayanan ang mga titig niya.
I don't know but his eyes looks so worried and annoyed at the same time. Kahit pa medyo natatakpan ito ng kanyang mahabang buhok at salamin ay ramdam ko pa rin ang intensidad ng kanyang mga tingin.
"Yung niluluto mo," saad ko nang mapansing hindi pa din siya umaalis sa harapan ko.
Dali dali naman siyang umalis sa aking harapan para daluhan ang niluluto.
Matapos naming mag agahan ay inaya ko si Freyr na mamasiyal sa labas, noong una ay parang ayaw niya pa dahil baka daw mabinat pa ako, pero pinilit ko siya dahil gusto kong mamasiyal-masiyal.
"M-Mamili na din tayo ng mga damit mo kung ganoon," Pagsuko niya saka bumuntong hininga.
Hindi ako nakapagdala ng mga damit dahil nagmamadali akong nagpunta dito, kaya ang suot kong damit ngayon ay kay Freyr.
Muli kong sinuot ang damit ko kagabi, dahil napalabhan na daw niya ito sa tiya niya. Pinahiram lang ako ni Freyr ng jacket dahil medyo malamig ang simoy ng hangin dito sa probinsiya nila.
Nang makalabas ay saka ko tuluyang nakita ang paligid ng tinitirahan ni Freyr, maliit ang bahay niya kung titignan sa labas, ngunit modern and minimalist ang tema sa loob. Napansing kong nag iisang bahay lang ito at para bang nasa pinakataas ng burol. May puno ng manga sa gilid at may naka palibot ding halaman.
Napahanga ako sa ganda ng tanawin dahil kitang kita ang paligid mula sa aking kinatatayuan. Ang malawak na sakahan, ang ang taniman ng nga bulaklak.
But the one that caught my eye is the wide field of lavender, the flowers looks like dancing because of the mild breeze of wind.
"Let's go," napa angat ako ng tingin sa pagdating ni Freyr.
He's wearing jeans and hoodie, may cross body bag din siyang dala, at suot niyang muli ang salamin niya.
"Why are you not wearing your contact lenses?" Tanong ko sa kanya.
"Naubusan na ako ng stocks," saad niya, napatango na lang ako.
"And I'm planning to continue wearing eye glasses," dugtong pa niya.
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
RomantizmKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...