Truth
Pagka alis nila Reuel ay agad akong pumunta sa unit ni Freyr. He set my finger print sa smart lock ng kanyang condo kaya madali akong makakapasok kahit wala siya.
Naupo ako sa kanyang couch, my mind has been clouded.. ang natanggap na balita ay mahirap pa din tanggapin para sa akin.
I will talk to my Father... Gusto ko na sa kanya mismo manggaling... Gusto kong malaman ang kanyang dahilan.
I wanna know his side. I wanna know how he feels.
And how can he moved on that easily.
Gabi na at alam kong malapit lapit na ding dumating si Freyr.. he's always busy these days pero gumagawa pa din siya ng paraan para makasama ako.
Lagi din siyang pagod dahil sa pag rereview niya. Minsan naawa na ako sa kanya dahil halos dalawang oras lang ang tulog niya minsan.
I suddenly missed him... Gusto ko siyang yakapin, dahil kahit papaano ay napapawi niya ang sakit at lungkot na nadarama ko.
Napangiti ako nang makita ang isang photo album sa ilalim ng coffee table niya. Makapal iyon at tila ba puno ng mga litrato. Sa cover page ay may malaking letter F na nakalagay.
Binuklat ko iyon at sa unang pahina ay isang ultrasound ang nakalagay.
"My baby is 3 months now! See you in 6 months baby!" Iyon ang nakalagay na sulat doon.
Ang mga sumunod na larawan ay mga larawan nang siya ay bagong panganak at nasa ospital pa at ang mga ibang larawan ay noong siya ay sanggol pa. He's really cute as a baby, he's chubby and his skin is so white na animo'y hindi nasisinagan ng araw.
I imagine.. If ever na magka anak kami ay gusto kong maging kamukha niya... Ang cute sigurong tignan kung may tatlo or dalawang batang lalaki na sunod ng sunod at nangungulit kay Freyr.
Imagining those made me giggle, I'm excited to build a future with him.
Iba't ibang larawan ang nandoon, sunod sunod ang ayos mula sa kanyang pagkabata hanggang sa medyo malaki na siya.
He looks energetic sa mga picture, parang noon ay hindi pa siya mahiyain masiyado. May mga larawan na tipid lamang siyang nakangiti, mayroon din namang sa tingin ko ay naglalaro siya.
Kapansin pansin din ang mga larawan niyang may suot siya na medalya, bata pa lamang ay achiever na siya.
Hindi ko na realize na kanina pa ako nakangiti habang nakatitig sa mga larawan niya, it's like I'm witnessing how he grow. May mga nakakatuwang larawan dahil may pagkakataon na nakabihis siya ng pang babae.
Nagtaka naman ako dahil halos siya lang ang nasa larawan, wala man lang siyang litrato na kasama ang kanyang mga pinsan.
I shrugged it off, and went to the second to the last page.
Ang ngiti sa aking mga labi ay agad na nalaglag habang nakatingin sa larawan niya kasama ang isang babae.
Ang babae na kalaguyo ni Papa.
Nakatayo sila pareho sa larawan at kapwa may ngiti sa mga labi. Si Freyr ay may suot na medalya sa kanyang leeg, sa tingin ko ay kuha ito pagkatapos ng graduation niya.
Naguguluhan man ay binasa ko pa din ang nakasulat sa ibaba ng larawan.
"My baby finished his junior high! I can't wait to see you graduate college! Mommy is so proud of you!"
Kasabay ng pagtulo ng aking luha ang pagbukas ng pinto ng condo ni Freyr.
"Baby?" Hindi ko siya pinansin at ipinatuloy ang tingin sa huling pahina ng photo album.
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
RomansaKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...