Unexpected
"Maybe... I'll check the papers tomorrow," saad ko habang nagtatype sa laptop habang ang telepono naman ay nakaipit sa aking tainga at balikat.
"Yes, Yes I'll make sure of it, I'll get it done as soon as possible."
Napabuntong hininga ako matapos ibaba ang tawag. Hinilamos ko ang aking kamay sa aking mukha.
Ilang araw na lang uuwi na ako ng Pilipinas pero eto at tambak pa din ang gawain.
Hindi pa dapat ako uuwi but Mom suddenly called because she got injured.
"Mom! Ano bang nagyari?" Nag aalalang saad ko habang ka video call siya.
Nakaupo siya sa isang hospital bed, wala naman siyang swero sa kamay kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Nadulas ako while visiting the site, I sprained my ankle a bit," saad niya mula sa kabilang linya.
Sa tabi niya ay Si tito Gabriel na todo alalay sa kanya. Mariin akong napapikit dahil sa aksidenteng nangyari. Kung kaylan nalalapit na ang kasal ay saka naaksidente si Mommy.
"I'll go home," buntong hininga ko.
Abala ang lahat at ngayong may injury si Mommy ay mas lalong madadagdagan ang gawain. Abala na si Tito Gabriel sa kanyang negosyo, kahit pa sabihing sila ni Mommy ay nakakahiya naman kung ito na ang mag aasikaso ng lahat.
At isa pa it's my responsibility to help my mom because I'll be the one who will inherit her business.
Nanlaki ang mata ni Mommy, kita ko ang pagkislap ng kanyang mata sa aking sinabi, " talaga? But I thought you're busy..." Saad nito at medyo humina ang boses sa dulo.
"Plano ko na naman pong umuwi at mag bakasyon para tulungan kayo sa negosyo," that's been my plan, ngunit mukhang ang balak na bakasyon ay matuluyan nang doon na lang ako muling tumira at mag resign sa trabaho.
Hirap na si Mommy sa pagma-manage ng negosyo niya, noong nakaraan pa siya dumadaing sa akin na tulungan ko na daw siya dahil hindi na siya bumabata.
Nakokonsenya tuloy ako dahil kami na nga lang dalawa ay iniwan ko pa siya sa Pilipinas.
"Alright! Ipapalinis ko ang kwarto mo!" Masiglang saad nito, napailing ako habang napangisi naman si Tito Gabriel nang makita kung gaano kasaya si Mommy.
"Sasabay na lang po siguro ako kay Gideon pauwi," tumango tango naman siya sa aking sinabi.
"Tell Gideon to be here with you," saad ni tito Gabriel.
"Opo I'll tell him."
Napabuntong hininga ako, minsan ay naiisip ko na baka sinasamantala na ng boss ko ang pagiging workaholic ko, or talagang ganon lang kadami ang workload dito.
Tumayo ako para pumunta sa opisina ng boss ko, kailangan ko na ibigay sa kanya ang mga papel na kailangan ma-finalize. Napairap ako sa iritasyon, minsan kasi ay kahit na dapat ay trabaho niya ay pinapasa niya sa akin.
Pagpasok ay agad kong nakita ang secretary niya, agad naman ako nitong tinanguan at tinawagan ang boss sa intercom para mag abiso na dumating na ako.
"You may get in," ngiti nito sa akin nang agad namang pumayag ang boss na papasukin ako.
Pagpasok ay bumungad sa akin ang isang babaeng prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. She's wearing a white suit with white inner tube habang ang buhok niya ay naka messy bun. Mukha siyang isang modelo na rarampa sa runway.
"Kayla! What brings you here?" Matinis na saad nito, napangiwi ako dahil sa arte ng boses niya.
"The papers... It needs your approval," inilapag ko ang paperworks sa tapat niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/233992554-288-k372304.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind the Engineer's Glasses (Completed)
RomanceKayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata ang pinaka weirdo sa lahat ng humabol sa kanya. Big glasses, super oversized na t-shirt at kupas na p...