Kabanata 37

3.3K 87 23
                                    

Blown


The next day I woke with bad headache.


Kapag naaalala ko ang nangyayari kagabi ay nag iinit ang aking pisngi. Parang gusto kong iumpog ang aking ulo sa pader ng paulit-ulit.


After that encounter, matiwasay akong nakabalik sa aking kwarto. Naubos namin ang laman ng bote ng wine sa ganoong paraan ng pag inom.



I would transfer it to his mouth and he would gladly drink and gulp every single drop of wine.



Ako ang unang sumuko, nang marealize ko ang ginagawa namin ay naitulak ko siya at agad akong tumakbo pabalik sa aking kwarto.


Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.


Nang magising ako ay dali dali akong naligo. Madilim pa lang sa labas ay umalis na agad ako para hindi niya ako maabutan.


Nag breakfast ako sa mga bukas na kainan sa isla instead na sa restaurant sa ibaba ng hotel.


Marami naman na ding bukas na kainan, kaonti pa lang ang kumakain kaya madali akong nakahanap ng pwesto.



Madami akong nakain dahil hindi ko alam kung bakit sobrang gutom ang nararamdaman ko. The price of the food is kinda cheap considering na parang pang five star restaurant ang lasa nito.



Nang matapos akong kumain ay naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Pasilip na ang liwanag at malakas ang hangin.


Ang malakas na simoy ng hangin ay tinatangay ang suot kong puting summer dress.


Maaga pa lang ay marami nang tao sa dalampasigan, karamihan sa kanila ay mga mangingisdang kakadaong lamang.


May mga bata na ding naglalakad ang iba sa kanila ay nangunguha ng mga shells, ang iba naman ay naglalako ng kwintas na gawa dito.



Naagaw ng aking atensyon ang isang batang humila sa suot kong summer dress. Tila ba kinukuha niya ang aking atensyon.


Isang batang babae na sa tingin ko ay nasa walong taong gulang iyon, may dala siyang basket na may lamang mga accessories na gawa sa seashells.

She's wearing a cute yellow dress, ang buhok niya ay may pagka alon and her skin is beautifully tan.

Yumuko ako para mapagpantay ang tingin namin,"Ano 'yon?" Malambing na saad ko dito.


"Bili na po kayo ate..." Mahinang saad niya na tila ba nahihiya.

"Hmm... Ikaw ba ang may gawa nito?" Tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang pag sigla ng kanyang mata, "Opo! Bagay po ito sa inyo!" May bakas pa din ng hiya, pero 'di na tulad ng kanina. Medyo masigla na ang boses niya ngayon.

Ipinakita niya sa akin ang laman ng kanyang basket, may mga bracelets at anklet doon. Mayroong ding kwintas at ilang palawit.



"Magkano ba 'yan?" Tanong ko sa kanya, habang pumipili.


"Twenty pesos po ang isa," Saad niya habang pinapakita ang kanyang dalawang kamay.


Natawa ako at ginulo ang kanyang buhok, "Baby that's only ten," bilang ko sa daliring pinakita niya sa akin.


Natatawang nagkamot naman siya ng ulo, " hehehe dalawang ten po pala," saad niya.


She's so cute! Parang ang sarap niyang iuwi dahil sa ka-cute-tan niya.



Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon