Kabanata 3

4.9K 94 38
                                    

Friends

Tahimik na nakasunod sa akin si Freyr habang naglalakad kami patungo sa condo unit ko.

Nang makarating ay agad akong nag type ng passcode at binuksan ito, pumasok na ako ngunit nanatili siyang nakatayo sa labas.

"Pasok ka na," saad ko nag aalangan siyang tumingin sa akin bago sumunod.

Ibinababa ko ang bag ko at pumunta sa closet para kumuha ng damit, mabuti nalang at may mga oversized na t-shirt at hoodies ako dito dahil dala ko ang ibang damit ni kuya.



Walang pag aalinlangan na inabot ko sa kanya ang isang oversized na hoodie, mas malaki nga lang ang mga damit na isinusuot niya pero sa tingin ko ay kasya naman sa kanya dahil payat siya.


"Doon ang CR, mag bihis ka na," nakayuko parin siyang sumunod.

Napailing nalang ako, kung lagi siyang magiging ganyan ay lagi siyang mabubully. 

Ininit ko ang baked mac na ginawa ko kagabi dahil alam kong hindi pa siya nakakapag lunch.

Ilang sandali lang ay lumabas narin si Freyr sa CR, napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko si kuya.

"Upo ka na, ihahanda ko lang yung pagkain." aligagang umupo naman siya.


Freyr is always nervous. hindi ko alam kung bakit lagi siyang ganyan.


Tahimik lang ako habang naglalagay ng pagkain sa plate niya, naririndi na ako sa katahimikan, kaya nagsalita na ako.

"Freyr, bakit naman hinahayaan mong ganunin ka ni Samantha," naiiritang saad ko.


Para bang palagi siyang takot sa mga bagay bagay, well in fact wala naman dapat siyang ikatakot.

"B-Babae s-siya at ayokong pumatol sa k-kanya." Halos mapatapik ako sa aking noo sa sinabi niya.  I rolled my eyes.


"Kahit pa babae siya, mali parin ang ginawa niya, ano ba naman yung sabihan mo siya kaysa naman manahimik ka," nakita kong medyo nanginginig ang kamay niya, marahil ay natakot sa kaseryosohan ng boses ko ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, stalker ko siya kaya dapat naiilang ako sa kanya pero parang may nagsasabi sa akin na tulungan siyang baguhin ang sarili niya.

"S-Sorry," pati ang boses niya ay nanginginig na.


"Look, stop saying sorry hindi ako galit okay? Nakaka frustrate lang na wala kang ginagawa para ipag tanggol ang sarili mo," I said softly dahil parang pati sa akin ay takot na siya.


Noong una talaga ay curious ako sa kanya kasi ba naman halos ilang taon ko na siyang nakikitang pasunod sunod sa akin, pero ngayon ay parang mas gusto ko na siyang mas makilala.


At gusto ko din siyang tulungan na mabago siya, para magkaroon siya ng confidence at hindi yung hinahayaan na lang niyang apihin siya.

"May tanong ako," napa angat siya ng tingin sa akin, nadi-distract ako dahil sa suot niyang damit ni kuya, naalala ko ito sa kanya.

Pero magka iba sila, ibang iba dahil matapang si kuya at puno ng confidence. Hindi mo makikita si kuyang inaapi-api.


Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon