Kabanata 14

3.9K 86 21
                                    

Home

Nahihirapan man ay pilit kong idinilat ang aking mata. Damn! Ang dami kong nainom!

Minsan talaga hindi ko maintindihan kung bakit ako natutong uminom gayung hang over lang naman ang hatid nito sa umaga.

Natatamad na dinilat ko ang aking mata, medyo madilim pa ang aking paningin dahil nag aadjust pa sa ilaw.

Puting kisame ang sumalubong sa akin, napakurap kurap ako.

Pota?kaninong bahay 'to?

Beige ang kulay ng kisame ko at may mga glow in the dark na stars.

Napabalikwas ako at dali daling tinignan ang katawan ko sa ilalim ng makapal na kumot.

Napahinga ako ng maluwag ng makitang ang damit ko parin kagabi ang aking suot.

Chineck ko rin ang katawan ko at wala naman akong naramdaman na kakaiba bukod sa sobrang sakit ng ulo ko.

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi, ngunit ang naaalala ko lang ay ang sa dance floor, at ang papunta sa kotse.

Ang mga sumunod don ay hindi ko na naalala.

"You're awake," napalingon ako sa nagsalita.

Si Dylan?

Memories came back to my mind likes waves.

Bumalik sa isip ko ang mga kagagahan ko kagabi, kung paano ako nakipag landian kay Dylan, and how I almost make out with him at the parking lot.

Damn! Of all places sa parking lot pa talaga! Mabuti na lang at hindi natuloy, kung nagkataon mawawala na ang matagal kong iningatan.

"Nasaan tayo?" Tanong ko at dali daling tumayo, ngunit bigla na lang nanlambot ang tuhod ko at muling napa upo sa kama.

Agad niya akong dinaluhan at sinalo ang aking bewang para alalayan.

"Oh! Are you okay?" Tanong niya.

Instead of answering him, I keep my eyes closed waiting for my dizziness to go away.

"Wait I'll get you a water, you need to be hydrated."

Bumalik ako sa pagkakahiga dahil nahihilo talaga ako, napamura ako ng maalalang nakalimutan kong uminom ng gamot ko sa dugo.

Ang dami dami ko nang iniisip tapos dadagdag pa itong sakit ng ulo ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paglundo ng kama sa kanang parte nito, idinilat ko ang aking mata para tignan si Dylan.

Inalis niya ang mga buhok na nakasabog sa mukha ko, para mas makita niyang mabuti ang aking mukha. Mapungay ang aking mga matang nakatingin sa kanya.

He checked my eyes, at sinalat niya din ang noo ko.

"Namumutla ka, are you anemic?" Tango lang ang naisagot ko sa kanya.

His lips formed into a thin line.

Of course he knows that I'm anemic, he's a med student. Naalala ko nung naglalandian pa kami, nagtatanong tanong ako sa kanya kapag may masakit sa akin, parang libreng check up na rin.

Sinasagot naman niya kapag alam niya, minsan nga ay siya pa ang nagbibigay ng gamot sa akin. May pharmacy kasi sila, kaya nung MU kuno kami, ay libre mga vitamins ko.

Halos mapurga na nga ako sa vitamin noon.

Kaya kung gusto niyo malibre ng vitamins at konsulta, may jowa na kayo ng med student na may pharmacy.

"Yan walwal pa, wag kang tumigil hangga't hindi laspag yang atay mo," tawa niya sa akin.

Naiinis na sinapak ko siya, nakikita na nga niyang nahihirapan na ako sa sakit ng ulo ko parang tuwang tuwa pa siya.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon